Skip to content

Kasalang CARMINA-ZOREN ‘SCRIPTED’, drama lang

November 20, 2012

Ayaw nang magpabuntis uli ni Carmina kay Zoren

MARAMI ang nagdududa na “scripted” daw ang naganap na kasal nila Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Ayon sa ilang tweet at mensahe sa Facebook na nabasa namin, imposible raw na hindi natunugan o wala man lang idea si Carmina na ikakasal na siya.

Gusto lang daw magpakakontrobersiyal ng dalawa kaya pinalabas nila itong isang surprise wedding.

Naku, talagang may mga taong ipinanganak na puro bitterness at inggit sa katawan.

Sa halip na maging masaya na lang sa napakagandang kasalan nina Carmina at Zoren, e, puro kanegahan pa ang mga pinagsasasabi ng mga ito.

Anyway, dedma na lang ang bagong kasal sa mga ganitong uri ng issue, siguradong mas lamang pa rin ang kaligayahang nararamdaman nina Zoren at Carmina, dahil napunan na ng aktor ang “kakulangan” niya sa kanyang partner. pati na rin sa kanilang mga anak.Ikinuwento naman nina Zoren at Carmina sa The Buzz last Sunday kung ano ang nangyari pagkatapos ng kanilang kasal.

Say ni Carmina, “Actually, nag-check-in kami sa hotel, e.

Pero pareho pa kaming high, pareho pa ang adrenaline namin, sobrang taas pa, ‘yung ganyan.

“Siguro nakatulog kami, mag-a-alas-kuwatro, alas-singko na yata ng umaga.

Pinag-uusapan pa rin namin ang nangyari, pero hindi pa rin nagdu-dawn sa akin.

The next day ko na lang talaga medyo kinda na-absorb, at nagtanong pa ng maraming detalye kay Zoren,” kuwento ng TV host-actress.

At dahil nga sa ginawa nitong effort sa kanilang kasal na wala siyang inalala kahit na ano, mas lalo pa raw niyang minahal ang asawa, “Actually, si Zoren kasi, full of surprises.

Ayaw niya yung the usual.

Ayaw niya yun. But yung malaki…hindi naman yung malaki kasi ang laki ng pamilya ko, ang dami kong kaibigan.

“Pero mahiyain kasi yun. Hindi siya sanay na humaharap sa maraming tao.

Na talagang nasa crowd, ‘yung ganyan.

But I guess, para sa akin kasi ‘to kaya niya hinarap.

Hindi ko nga alam, siguro yung pagpapasalamat ko sa kanya, parang forever na ‘yun!” hirit pa ni Carmina.

So, susunod na ang honeymoon? “Yun ang hindi pa namin napaplano, pero siguro, yun, darating na lang din just like the wedding.”

Pero mukhang ayaw na ni Carmina ang magka-baby uli, “Babies?

Naku, baka hindi na yata! Pero malay mo, baka surprise din.

Bilang itong relasyon namin ay puro surprise din.

Pero ngayon, we’re very happy. Kuntento na kami sa kambal namin.

Kung ibibigay, e, di go!

“Kung hindi naman, okay na, solve na solve na kami.

Pero ngayon, we’re very happy.

Kuntento na kami sa kambal namin,” dagdag pa nito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: