Skip to content

Showbiz personality na kaibigan nina CARMINA at ZOREN, di pwedeng pagtiwalaan

November 19, 2012

Itsinismis sa ilang kaibigan ang sikretong kasalan

BUKOD sa napatunayan ni Zoren Legaspi ang wagas niyang pagmamahal kay Carmina Villaroel nang finally ay sorpresahin niya itong pakasalan kamakailan, mas markado ngayon ang pagiging isang tapat at mapagmahal na lalaki ni Zoren sa mata ng mga kababaihan.

Although nakasaksi na kami dati ng kaparehong kasalan sa isang matalik naming pareha na matatag pa ring nagsasama bilang mag-asawa, first time sa showbiz ang ginawang style ng pagpapakasal ni Zoren kay Carmina.

Hay, masarap pa rin talagang umasa na may mga kagaya nilang lalaki sa bansang ito na hindi lang pagpapakilig ang intensyon kundi ang sinserong pagpapadama ng pag-ibig, kakaibang level ng pagmamahal na akala nga natin ay sa mga pelikula o teleserye lang nagaganap.

Hindi nga maiiwasang kainggitan si Mina ng maraming babae, lalo na marahil yung mga nagkaroon din kaugnayan sa kanyang asawa noon.

Hindi man matatawag na big, big star si Zoren sa showbiz, pero sa ipinakita niyang katapatan at pagmamahal sa kanyang asawa, daig pa niya ang mga barakong superstars!For sure, kahit sina Ruffa Gutierrez, Rustom Padilla at iba pang personalidad na minsan ay nagkaroon ng kaugnayan kina Mina at Zoren ay napanganga na lang sa kaligahayahan!

Congratulations sa inyo Mina at Zoren! Siguro sa susunod nating mga tsikahan ay mas lalo naming mararamdaman ang sigla at tamis ng inyong pagmamahalan .

Meron tayong maikling blind item, kapatid na Ervin.

Tungkol pa rin ito sa nasabing pasikretong pagpapakasal nina Zoren at Carmina at sa ilang mga tao na earlier ay kinausap ng groom para either magsilbing witness o bahagi ng seremonya.

Ang tsika nga, dapat daw ay super duper lihim lang ito at ‘yung mga direktang involved lang dapat ang makaalam. So, kinarir nga raw ni Zoren ang lahat kahit pa magmukha siyang secret agent o magnanakaw para lang hindi magkaroon ng idea ang asawa.

Pero, mayroon nga umanong sa sobrang kadaldalan at pagiging hopeless romantic kuno ay hindi nakapagpigil na makapagkuwento sa kanyang mga pinagkakatiwalaang friends.

“Yun bang sa sobrang saya marahil ay talagang hindi puwedeng kahit clues ay wala siyang sabihin, kaya nalaman at nalaman pa rin ng iba,” tsika ng kausap namin. The greater thing is, hindi matabil at tunay na napagkatiwalaan ang mga pinagsabihan ng matabil na personalidad.

“At least, yung mga napagsabihan niya ay masasabing mga trusted people na kapag winarningan ay marunong sumunod. Kung sa iba niyang friends marahil nasabi yun, naku, baka, nagmukhang circus ang kasalang Zoren-Carmina,” tsika ng kausap namin, na if ever daw na may nag-leak sa naganap ngang lihim na kasalan e, tiyak na sa personalidad babagsak ang sisi.

Well, dahil binigyan kami ng clues ng aming source kung sinong personalidad yun na “dikit” sa mag-asawa, napatingin na lang kami sa sky sabay birit ng, “May bago ba?”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: