Skip to content

SAM MILBY: Masaya ako kahit walang girlfriend!

November 18, 2012

Sobrang higpit na yakap at halik ang isinalubong sa amin ng paborito naming aktor na si Sam Milby bago pa magsimula ang presscon ng star-studded na latest move offering ng Star Cinema, ang “24/7 In Love” showing on Nov. 21.

Medyo matagal din na hindi kami nagkita ni Sam. Naging busy din agad ang aktor pagkatapos ng audition niya sa US.

Kabilang na ang shooting for his movie “24/7 In Love” at ang first teleserye niya with Judy Ann Santos.

Although, na-stop ang taping ng teleserye nila ni Juday na Against All Odds, kaliwa’t kanan pa rin ang trabaho niya.

Balita nga namin, aalis uli siya patungong US para naman sa pictorial niya for a glossy magazine.

Sa rami ng mga artistang kasama sa “24/7 In Love,” si Pokwang ang napunta kay Sam bilang ka-loveteam.

Comedy ang love story nila sa pelikula kaya okay lang daw. “I know it was Pokwang’s firs time. Ako ‘yung first kissing scene niya ever in a movie.

So, she’s a virgin in the movie and she’s a virgin in terms of kissing scene.

I’m happy that I was the first,” sabay tawa ni Sam.

Ang episode nina Sam at Pokwang ay idinirek ni Frasco Mortiz.

Until now ay loveless pa rin si Sam, wala pa rin siyang bagong girlfriend, “Wala akong lovelife.

But I’m happy. Masaya naman ako. Marami namang work.”

Wala raw talaga siyang nililigawan ngayon dahil hindi rin daw niya ito maasikaso, “I’m very busy with taping, and then, ito pa ngayon, yung ‘24/7 In Love’. Since I came from the U.S., naging very busy ‘yung sked kaya doon muna sa trabaho,” paliwang pa ni Sam.

E, sa pagtungo niya sa US, wala ba siyang nakilala roon na posibleng maging girlfriend niya?

“Mas lalo namang malabo na magkaroon ng lovelife sa US.

Halos every day, we’re really busy in a lot of things,” esplika pa ng aktor-singer.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: