Skip to content

ANGELICA nakakatakot maging girlfriend, ibang-iba kay SHAINA na hindi palengkera

November 18, 2012

Habang talak nang talak si Angelica Panganiban ay napanatili naman ni Shaina Magdayao ang kanyang pananahimik.

Magandang-maganda tuloy ang imahe ng dating girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay napagtuunan ng kuwento sina Angelica at Shaina, natural, hindi naiwasan ang pagkukumpara sa kanilang dalawa.

Sabi ng isang miron, “Du’n mo makikita talaga ang breeding ng isang tao, kapag nalalagay siya sa alanganin, kapag may issue tungkol sa kanya.

Naghiwalay sina John Lloyd at Shaina, pero tahimik lang, pagkatapos magbigay ni Shaina ng kanyang explanation, nanahimik na siya.“Hindi siya palengkera, hindi niya siniraan si John Lloyd, masakit na masakit sa kanya ang nangyari, pero nakita naman ninyo kung gaano niya kinaya ‘yun nang positibo.

“Hindi siya nagsasalita, hindi siya naninira, alam niya ang position niya, alam niya kung anong battle lang ang papasukin niya, it only shows how educated she is,” sabi nito.

Hindi naman kagandahan ang opinyon ng mga nandu’n tungkol kay Angelica, “Napakalayo ni Shaina kay Angelica. John Lloyd will notice the difference in time.

Baka nga ngayon pa lang, e, ramdam na ramdam na ‘yun ni John Lloyd, e!

“Masyadong bitter si Angelica, almost a year na silang break ni Derek Ramsay, pero hindi pa rin siya makapag-move on.

Kababaeng tao niya, pero nakakahiya ang mga pinaggagagawa niya sa ex niya!

“With what she’s doing right now, baka nagkakaisip na rin si John Lloyd na ganu’n din ang gagawin sa kanya ni Angelica kapag nagkahiwalay sila.

Nakakatakot nga namang karelasyon ang babaeng ‘yun!” nagkakaisang opinyon ng mga nasa umpukan.

Habang hangang-hanga ang marami sa pagiging maginoo ni Derek Ramsay ay napakarami namang naaangasan-nagugulantang sa mga inaasal ni Angelica Panganiban.

Paningit pang komento ng isang nandu’n, “Looks nga naman can be deceiving! Sana, mauntog sa katotohanan nang mas maaga si Lloydie, nakakaawa naman siya kapag nagkataon.”

Sabi nga, kapag hindi natin maunawaan ang ugali ng isang tao ay wala tayong dapat gawin kundi isang bagay lang, balikan natin ang kanyang nakaraan at alamin natin kung sino siya at kung saan siya nanggaling.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: