Skip to content

PAOLO: Nganga! ewan ko, ayaw nila ng masyadong maganda!

November 17, 2012

Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang dyowa

HANGGANG ngayon pala ay wala pa ring dyowa si Paolo Ballesteros.

Matagal-tagal na rin ang huli niyang relasyon at mula nga noon ay hindi na siya nagkaroon ng lovelife.

Ayon kay Paolo, wala naman daw issue sa kanya kung single pa rin siya, at least, bukod sa pagtatrabaho ay nabibigyan din niya ng sapat na panahon ang kanyang anak na si Keira.

“Oo nga! Waley! Nganga! Ewan ko, hindi ko rin alam.

Ayaw yata nila ng masyadong maganda!” natatawang chika ni Paolo nang makachika siya ng entertainment press sa pelikulang

“D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!?” nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Tawa rin nang tawa ang press kay Paolo dahil parang pinanindigan na niya ang pagiging beki.

Tuloy marami na ang naniniwala na bakla nga siya sa tunay na buhay. Kahit nga ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga ay “Girl” na ang tawag sa kanya.

“Ang tagal na kasi nu’n, e. E, iyon nga, isa pang trait, talo ang pikon.

Kung napikon ka, walang mangyayari sa iyo, e.

“Kung sasakyan mo, di ba, kung gagawin mong in a nakakatawa way, na maganda naman, e, di okay lang.

E, wala namang mawawala sa akin, di ba?

Nakakatawa pa nga, e!” depensa ng TV host-actor.

Sa “D’ Kilabots Pogi Brothers…

Weh!?” ay bakla na naman ang role niya, “Pero hindi naman ako yung baklang sobrang gandang magdamit, ganu’n.

Yung baklang assistant ni Jose na nagtitinda ng mga isaw, pero mahilig sumali sa mga beauty contest, ‘yung ganu’n-ganu’n.
“Na mahilig magbitaw ng mga sikat na one-liners mula sa mga pelikula ng mga sikat na aktres—tulad nina ate Shawie (Sharon Cuneta), ate Vi (Vilma Santos), at si ate Guy (Nora Aunor), pati si Carmi Martin,” say ni Paolo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: