Skip to content

Nakakahiya na ang kadramahan ni ANGELICA; nakakaawa si JOHN LLOYD

November 17, 2012

Ayaw talagang tigilan si Derek, ngawa pa rin nang ngawa

Sa mga pinaggagagawa ngayon na pagbira ni Angelica Panganiban kay Derek Ramsay kahit pa halos isang taon na silang naghihiwalay ay nakakaawa si John Lloyd Cruz.

Naturingang sila na ngayon ng aktres, ang press release nilang dalawa ay maligaya raw sila sa isa’t isa, pero wala naman sa kanya ang utak ng babae kundi nasa kanyang ex pa rin na si Derek.

Nakakaawa naman ang bagong boyfriend ni Angelica, asang-asa si JLC na nagmamahalan na talaga sila, pero ang inaatupag naman ni Angelica ay ang pambubuliglig kay Derek.

Natural, hindi maganda ‘yun para kay John Lloyd, teritoryo na nito ang iniikutan ni Angelica ngayon bilang karelasyon pero bakit si Derek pa rin ang laman ng kanyang isip?

Siya raw ang nang-iwan kay Derek, sabi ni Angelica, pero bakit siya ang bitter na bitter pa rin hanggang ngayon? Manalamin sana ang aktres, tanungin sana ni Angelica ang kanyang sarili kung bakit siya nagkakaganyan, maligo sana sa pulot ang babaeng ito para magising siya sa katotohanan.

Sa totoo lang, mas pinatataas lang niya ang pagkatao ni Derek sa kapapanira niya, lalong naiisip ng publiko na siguro nga ay napakabuting karelasyon ni Derek, kaya nang mawala na sa kanya ay nagkakaganyan na si Angelica.

Nakikipaglaro sa kanyang emosyon si Angelica, hindi siya nag-iisip nang maraming beses bago siya magsalita at mag-tweet, isang araw ay makikita na lang niya ang kanyang sarili na maling-mali pala siya.

Tantanan na niya ang paninira kay Derek para maniwala ang publiko na maligaya na nga siya kay John Lloyd ngayon, si John Lloyd na ang asikasuhin niya, huwag ang nananahimik at maginoong si Derek Ramsay.

Nakakahiya na ang mga pinaggagagawa niya!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: