Skip to content

KC walang takot na ipinasilip ang BOOBS

November 17, 2012

Kung na-shock si Carmina sa biglaang kasal nila ni Zoren, ginulat din ni KC Concepcion ang entertainment press sa formal launch ng kanyang pagiging Tanduay 2013 calendar girl.

Ang sexy-sexy ngayon ni KC, as in talbog ang mga nagmamagandang sexy star diyan sa aura niya ngayon.

Pero sabi nga ni KC, inaasaan na niya na masa-shock talaga ang lahat sa bagong project na ito ng Tanduay, “I’m going on 12th year for endorsing, so it’s the best time for me to do this. I think I waited for the right time.”

Say ni KC, wala raw naging problema sa kanya ang nasabing endorsement dahil binigyan naman sila ng Tanduay ng “full creative freedom” para sa 12 concept ng nasabing kalendaryo.

Tiniyak din daw niya at ng Viva Artist Agency na humahawak sa kanyang career, na hindi ito magiging malaswa o bastos.

“I don’t want to do anything na magiging uncomfortable ‘yung mga fans, at the same time, siyempre, yung pamilya ko, at ako, siyempre po,” paliwanag ng TV host-actress.

Hirit pa niya, “Sa tingin ko po, simula noong ipinanganak ako hanggang sa umalis ako papuntang sa ibang bansa at tumira du’n, hanggang sa bumalik ako at nag-try sa showbiz, ang mga fans, sanay po makakita ng iba’t ibang sides ni KC.“So this is another side of me, na kasama ko pa rin ang mga tao as I grow up, as I explore.

They know naman na meron din naman akong limits,” dagdag pa ni KC na talaga namang nagmumura ang dibdib sa kanyang Tanduay pictorial.

Ano naman ang reaksyon ng kanyang nanay na si Sharon Cuneta?

“Alam n’yo, she’s been naman very happy for me, very supportive.

Anything that’s being with Viva is something that, kampante naman kahit paano dahil siya rin naman ang nag-impluwensiya sa akin to be with Viva.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, hindi pa rin niya sinasagot ang kanyang French suitor na si Pierre Emmanuel Plassart, pero mabuting magkaibigan naman daw sila, “I want to prolong this time by being happy and busy because minsan lang naman mangyari yun sa buhay ng isang babae.

Baka malay mo, if it happens, magtuluy-tuloy na. I’m not rushing right now.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: