Skip to content

Pagod na ‘kong manahimik! – ANGELICA

November 14, 2012

Nagtatalak na naman sa Twitter laban kay Derek

PINAGPIYESTAHAN sa Twitter ang mga pahayag ni Angelica Panganiban tungkol sa iba’t ibang isue na kinasasangkutan niya, siyempre  hindi pa rin mawawala diyan ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay.

Sa unang pasabog ng aktres, “Pwede nyo itanong sakin kahit ano.. Sasagutin ko.🙂 pagod na pagod na kong manahimik!!!! Game🙂.

Magpapa schedule sana ko ng interview kay tito boy.

Kaso nilalagnat ako. At baka busy sya. So kayo na lang mag interview sakin.”

Kinagat naman ito ng mahigit two million followers ni Angelica, ilan sa mga tanong sa kanya ay tungkol sa ex niyang si Derek.

@KaylaCuenca: @IamAngelicaP hmm..real reason why you & Derek had to part ways?

Angelica: “Napagod na ko magtiis.”@itsmeaien: @iamangelicap third party po ba kung bakit kayo nag break ni derek?Angelica: “6th party.”@IamHAZELQ: @IamAngelicaP I heard sa friend ko na your X often have girls on the side while kayo pa, is that true?
Angelica: “Huh? talaga? #stupidme”

@megmarc: @IamAngelicaP Ano ang pagkukulang mo sa relationship mo noon with Derek?
Angelica: “Respeto sa sarili.”

@jowvee: @IamAngelicaP ayaw daw ni Derek sa mga friends mong gays kaya kayo di nagkasundo?
Angelica: “Yup.”

@joshcobico: @IamAngelicaP paano ka napagod sa kanya? ikaw ang nakipag break?
Angelica: “Yup”

@pepperpumba: @IamAngelicaP is it real that Derek is treating you like alalay, taga prepare of all his stuff.
Angelica: “Ok naman yun dati.”

Naitanong naman ni @usaKATHNIEL kung pangit ang pagbe-break nila ni Derek kaya lumipat siya sa ibang channel? Sagot ni Angelica, “Nagulat na lang ako nasa 5 na sya.”

@nasifmulok: @IamAngelica may communication pa rin ba kayo ngayon ni Derek?
Angelica: “Wala🙂 ayoko.”

Dinenay naman ni Angelica ang blind item na nag-away sila ng ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Shaina Magdayao nang magkrus ang landas nila, say ni Angelica: “Never. desenteng tao si Shaina.”

Nauna nang sinabi ni Angelica na never pa silang nagkikita ni Shaina pagkatapos nitong makipaghiwalay sa bago niyang boyfriend.

Tweet ni Angelica, “Hindi kami nagkikita.

Hindi naman kami nakukulong sa isang kuwarto para magyakapan. Wala namang ganun.”

After ng tanungan portion na ‘yun sa Twitter, nagpatutsada uli si Angelica sa mga showbiz writers.

Say niya, “Pupusta ko ang nakalagay sa headline sakin ‘angelica, d maka move on’ or ‘angelica, bitter!’ Naks! #sanabukas haha!”

Malinaw na malinaw na talagang hindi pa rin nakaka-move on itong si Angelica.

Parang nabubuhay pa rin siya sa anino ni Derek!

Dahil kung wala na talaga totally ang aktor sa sistema niya, wala na sana siyang ganitong drama, di ba?

Hindi ba talaga siya masaya kay Lloydie?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: