Skip to content

SHAINA: Sarado pa ang puso ko, under renovation pa!

November 13, 2012

Naging masaya naman daw ang birthday celebration ni Shaina Magdayao, ito’y sa kabila nga ng pagiging loveless.

Ilang ulit nga raw siyang nag-party courtesy of her friends.

“Sobrang supportive ang friends ko, ilang beses nila akong sinurprise.

Sila actually ‘yung nag-throw ng parties for me.

‘Yung gusto kong mangyari ngayon lang nangyari kasi lagi akong may problema pag birthday,” say ni Shaina sa interview sa kanya ng The Buzz.

Dagdag pa niya, “I’m very thankful this year.

Masaya ako,I’m really, really happy,” paniniyak niya.

In fairness, blooming talaga siya ngayon, hindi kaya ito’y dahil sa sandamakmak niyang manliligaw? “Ha-hahaha!

Hindi yata proper sa akin manggaling.But you know what, I think naninibago lang ang mga tao dahil ngayon lang ako naging single, parang lagi akong with someone at siguro ‘yung concentration ko sa isang tao lang.

Ngayon lang siguro ako naging ganito.

Ewan ko kung bakit gano’n parang paborito ako ngayon ng taong intrigahin.”

Tungkol naman sa pagkakaroon uli ng boyfriend, “Siguro trabaho muna pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko.

Closed pa ‘yung puso ko.

Hintay na lang tayo kung sino.

Under renovation pa ho siya.

Pag dumating ‘yung taong yon, sige i-open natin ulit,” chika pa ni Shaina na napapanood pa rin sa afternoon series ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo opposite Jake Cuenca na nalalapit na rin ang pagtatapos.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: