Skip to content

Kawawa naman… ENCHONG ayaw maniwalang magdyowa na sina COCO at JULIA

November 13, 2012

MAGULO ang mga naglal-abasang kuwento tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Enchong Dee at Julia Montes, ha!

Kung anu-anong issue ang bumabandera sa dalawang young star ng ABS-CBN, at pati nga ang premyadong aktor na si Coco Martin ay nadadamay na.

Ayon sa ilang report, totoong hiwalay na raw sina Julia at Enchong, ito’y dahil mas pinili raw ng Kapamilya actress ang kanyang leading man na si Coco, binalewala diumano ni Julia ang mahabang panahong pinagsahan nila ni Enchong.

Alam naman ng marami na matagal-tagal na ring naghihintay si Enchong kay Julia, sa huling panayam nga namin sa kanya sinabi niyang, “Tingnan natin kung anong magiging sagot niya, malapit na naman siyang mag-18, e.

Du’n na natin malalaman kung ano talaga,” na ang tinutukoy ay kung sasagutin ba siya ni Julia.

Pero kalat na nga ang kuwento na sinagot na ni Julia si Coco at balitang kinausap pa raw ng aktres si Enchong tungkol dito.At nabasa n’yo na rin sa column ng ating kolumnistang si Reggee Bonoan dito sa BANDERA ang kuwento ng isang taong malapit kay Enchong.

Hindi man nito diretsong sinabi na nakipaghiwalay na nga si Julia sa aktor, ganu’n na rin ang gusto nitong tukuyin.

Pero sa The Buzz nga nu’ng Linggo, parang gustong sabihin ni Enchong na hindi nakipag-break sa kanya si Julia, lumalabas sa naging statement nito na sila pa rin ang magkarelasyon.

Tinanong kasi siya tungkol sa break-up at ang naging tugon niya, “Naku, hayan na naman sila.

Hayan na naman.

Pero siguro, mas magandang huwag na lang sagutin.

Kasi, every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinaniniwalaan yung sagot ko.

So, yun na lang.”

Halatang umiiwas si Enchong sa issue, kaya sa halip na magbigay ng iba pang detalye about the break-up, nagkuwento ito tungkol sa ibinigay na birthday surprise sa kanya ni Julia kamakailan.

“Sa L.A. ‘yun. Meron kasi kaming show doon.

Tapos, after ng show namin, meron kasi akong ibibigay na regalo dun sa producer namin, kasi nga, merong nagpaabot.

“Pagbukas ko ng pinto, I didn’t know na ‘yun pala ang kuwarto niya.

Pagpasok ko, nandoon na silang lahat and she’s the one who organized it,” hirit pa ng aktor.

Ngayon, bahala na kayo kung ano ang paniniwalaan n’yo sa dalawang bersiyon ng kuwento – hiwalay na nga ba o hiwalay na?

Ha-hahaha! Wala pa ring choice!?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: