Skip to content

Fans ni CHARICE grabe na ang pambabastos at panglalait kay ZENDEE ROSE

November 13, 2012

Hindi lang daw ang nanay ang nagtataray

Patuloy na umiinit ang issue sa pagitan nina Charice at videoke girl Zendee Rose Tenerefe.

Talagang pati ang kanilang mga fans ay nagbabangayan na rin.

Nagsimula kasi ito nang kumalat ang diumano’y tweet ng nanay ni Charice na si Mommy Racquel laban kay Zendee.

Ilan sa mga nabasa naming tweet daw ni Mommy Racquel ay ito, “Ano ba naman yang mga balita na ‘yan?

I-compare ang anak ko sa singer na kumanta lang eh taob na daw…nayakap lang taob na.

“Di ba pwedeng mayakap muna sila ni Aling Oprah (Winfrey)? Ni Aling Celine (Dion)? At lumabas sa Glee? At kumanta sa Madison (Square) Garden? At mapasama sa Chipmunks, maging top 4 sa BILLBOARD? Magkaroon ng Here Come’s the Boom? Bago itaob?“Naman…naman….naman…kain muna kayo ng Donya Maria Rice ni Mareng Michelle Gankee bago mag-isip ng TAOB huh?” sabi pa raw ng nanay ni Charice.

Ayon naman kay Zendee, hindi na lang daw siya nagpapaapekto sa mga ganitong issue, at inulit niya na magkaibigan naman sila ni Charice, in fact, may mga sinabi nga raw ang international singer sa kanya noon na sana raw ay hindi siya magbabago at sana raw ay maging matatag siya sa mga intrigang ikakabit sa pangalan niya.

Hindi na rin daw sasagot si Zendee sa mga tweets ng nanay ni Charice dahil aniya, hindi naman daw na-mention ang pangalan niya doon.

Pero inamin niya na hindi raw siya tinitigilan ng ilang fans ni Charice, patuloy daw ang mga grabeng tweets ng mga ito laban sa kanya.

One Comment leave one →
  1. nick o. santos permalink
    November 27, 2012 11:55 pm

    who is this singer,,walang makakatalo kay charise, at di sya pwedeng iparehas lay charise,,, like nora aunor is a superstar and charise is also a superstar of her own,,,charise internationally acclaimed well love singer,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: