Skip to content

Sey mo RYAN, JUDAY super enjoy sa mga abs ni SAM

November 12, 2012

At kung may love triangle ang relasyong Coco Martin, Julia Montes at Enchong Dee ay iba naman ang kaso ni Sam Milby dahil wala siyang maikuwento tungkol sa lovelife niya.

Ayon kay Sam, mahigit dalawang taon na siyang walang girlfriend dahil nga wala naman siyang mahanap maski na nagpunta siya ng ibang bansa nitong mga unang buwan ng 2012 para sa audition niya sa Hollywood.

“Well, siyempre kapag nasa States ako mahirap kasi babalik at babalik naman ako dito kaya walang time para magka-lovelife roon,”paliwanag ng aktor.

Sabi nila, kapag walang lovelife, okay naman ang takbo ng career at para kay Sam ay kuntento naman siya dahil kasama siya sa pelikulang “24/7 In Love” mula sa Star Cinema.

Ang komedyanang si Pokwang ang leading lady ni Sam sa pelikula at pabor nga raw sa kanya na hindi niya karelasyon ang kasama niya dahil walang pressure.

“Mas nawawala ang pressure sa amin ni Marietta kasi it’s comedy, masaya lang sa set, very easy going lang.  Masaya lang sa set, and matagal na kaming friends dahil sa mga tours namin abroad,”kuwento ng guwapong aktor.

Samantala, tinanong namin ang aktor tungkol sa sinabi ni Judy Ann Santos na intimidated daw ang binata kapag magkaeksena sila sa seryeng Against All Odds.

“Siyempre, sa mga first days namin, magaling talaga si Juday and first time kaming magkasama sa isang project though friends naman kami, but it was different naman sa work.

“May mga eksena talaga na medyo na-intimidate ako, but naging kumportable naman ako after a while,” pag-amin naman ni Sam.

So far ay wala namang maririnig na reklamo si Sam sa pagkakahinto ng taping nila ng Against All Odds dahil mas inuna ng aktres ang Master Chef Pinoy Edition.

“Ako, kararating ko lang galing States, okay lang.

Naghihintay lang ako, and I understand naman Juday’s schedule, she has a movie for MMFF and may Maste Chef pa siya, ako naghihintay lang for the schedule.

“Okay lang din naman kasi, kasi busy din ako ako sa shows (abroad) performing.

And I just finished ‘yung ‘Death March’ (indie movie), hindi ko alam kung ipalalabas dito sa Pilipinas,” sey ni Sam.

Samantala, sinabi namin kay Sam na gustung-gusto raw ni Juday ang abs niya.

Ano bang eksena nila sa Against All Odds para makita ng aktres ang katawan niya.

“Ha-hahaha! Thank you, Juday!

I will be working on it, para sa ‘yo!

Marami kasi akong nakahubad na eksena sa series.

Halos everyday nakahubad ako.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: