Skip to content

JULIA MONTES halos isumpa ng mga taga-immigration, suplada raw sa personal

November 12, 2012

Walang ginawa kundi sumimangot, fans naimbiyerna

MAGKAIBANG kuwento at magkaibang pagkakataon. Ito ang nakarating sa aming kuwento tungkol sa dalawa nating personalidad na nag-abroad for some shows.

Si Julia Montes, ang ka-loveteam nina Coco Martin na nali-link din kay Enchong Dee ay wala raw kasing-suplada sa airport.

Grabe raw kung sumimangot ang batang ito at kahit mga taga-Immigration ay bwisit na bwisit sa kanya nu’ng mag-request sila ng picture taking with her.

Pumayag naman daw siyang magpakuha ng litrato pero talagang nakasimangot daw ito.

Nakiusap daw ang taga-Immigration na ngumiti man lang siya pero deadma raw si Julia.

“Naku, hindi pa naman siya sikat na sikat pero kung makairapk, wagas.

Hindi ko na pina-develop ang kuha namin dahil baka hamambuhay lang akong maging indebted sa kanya, ‘no!

Baka lalo ko lang siyang isumpa tuwing makikita ko ang pictures namin together. Akala kasi namin ay sweet siya.“My God! Walang kasing-suplada.

Samantalang napakarami ng big stars na naki-pose sa amin sa airport, like sina Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Sam Mily at si Nora Aunor.

Lahat sila ang babait, nakangiti lagi and very accommodating considering na may karapatan na silang magtaray dahil sa kanyang estado sa industriya.

“Nababastusan ako sa sistema nitong si Julia Montes na na parang nagpatangos lang naman ng ilong.

Kaya sa susunod, hinding-hindi na namin siya aasistihan,” sabi ng isang taga-Immigration na galit na galit sa pagsusuplada raw nitong si Julia.

“At tinawagan ko na ang mga pamangkin kong fan na fan nitong si Julia na ‘to.

Sinabihan ko silang huwag nang manood ng mga palabas niya dahil nagsasayang lang sila ng oras at pera.

Walang respeto sa mga tagahanga niya,” ang dagdag pa ng aming kausap.
May mga nagdepensa naman kay Julia na baka “bad hair day” lang or baka pagod lang.

For us, that’s a wrong defense. Ang artista ay artista – pag lumabas na ng bahay ang isang artista, obligasyon niya ang makisama sa mga tagahanga niya.

Kung masama ang pakiramdam niya, sabihin niya nang maayos.

Hindi yung puro simangot siya.

Mas mabuti pa nga minsan yung mga kontrabida sa pelikula – sa totoong buhay sila pa ang tunay na mababait.

Kaya Julia, dapat mag-isip-isip ka na.

You are losing some followers.

You have just started at kung gusto mo nga namang tumagal sa industriyang ito, better be nice or else…

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: