Skip to content

JULIA ‘baliw na baliw’ na kay COCO

November 12, 2012

Imposible nang balikan si Enchong Dee

PAANO nag-break sina Enchong Dee at Julia Montes, e, hindi pa naman sila umaamin na sila na?

O, baka naman may usapan ang dalawa na wala munang aamin dahil nga menor de edad pa si Julia at sa susunod na taon pa siya magiging disiotso?

Bukod pa sa may kanya-kanya silang ka-loveteam?

Ilang beses na naming sinulat na mag-on na sina Enchong at Julia pero makailang beses din itong itinanggi ng dalawa.

Iisa ang lagging sinasabi ni Enchong, “Hindi pa nga kami, break na agad?

Agad-agad?  Next year ko pa malalaman ang sagot, kasi 18 na siya, ilang buwan na lang naman, hintayin n’yo na.

Pero mukhang wala ng mahihintay na pag-amin kina Enchong at Julia dahil wala na talagang aaminin pa.Sa pasasalamat  concert ng Walang Hanggan sa Araneta Coliseum ay hindi na naitago nina Coco Martin at Julia at kanilang nakatagong pagtingin sa isa’t isa, lalo na nu’ng interbyuhin na sila ni Boy Abunda.

Kakaiba ang sagutan ng dalawang bida ng Walang Hanggan nu’ng tanungin sila ng TV host kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa at kung sakaling yayain ni Coco na pakasalan siya ni Julia ay hindi tumanggi ang aktres basta’t nasa tamang edad na siya.

Totoo ang kasabihang nahuhuli ang isda sa bibig dahil kung walang relasyon ang dalawa, ang dapat na isinagot ni Julia, “Bakit ako magpapakasal, e, wala naman kaming relasyon?” Or “Hindi ka naman nanliligaw bakit ako magpapakasal?”

Kuwento ng taong hindi namin papangalanan, “Hindi ko nga rin maintindihan, Reggee, ang bilis ng pangyayari, sana lang hindi makaapekto sa career ni Julia.

Ngayon pa lang umaangat, sana hindi naman.”

“Okay na nga sana sila ni Enchong, eh.  E, mabilis si Coco kaya hayan, ewan ko naman dito kay Julia.

Sana hindi muna nila seryosohin.

Bata pa si Julia at si Coco, e, may edad na.

Sana lang hindi mabuntis si Julia,” sabi pa ng kausap namin.

Sa madaling salita, iisa ang nasa isip namin habang ginaganap ang pasasalamat concert ng Walang Hanggan kaya tinext namin ang common friend namin ni Enchong at kinumusta namin ang aktor sa kanya, “Okay naman siya (Enchong), concerned ka?” sabi sa amin.

Ikinuwento namin ang senaryo nina Coco at Julia kaya binanggit namin, “Kasi break na sila dahil sila na ni Coco, kaya ask ko kumusta si Enchong?”

Na sinagot naman kami ng, “So far okay, masaya naman siya, parang walang nangyari, maayos naman silang nag-usap.”

Ang kasunod niyang text sa amin, “Sabi ni Enchong, ang sweet mo raw, tinatanong mo kung kumusta siya.”

At may dagdag pang, “Malay mo magbalikan? (Enchong at Julia).

Pero base sa nasagap naming balita, malabo ng magbalikan sina Enchong at Julia dahil natabunan na ni Coco ang panliligaw ni Enchong.

Nasa Europa ngayon sina Coco at Julia para sa shooting ng pelikula nila mula sa direksyon ni Manny Palo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: