Skip to content

KIM inatake ng nerbiyos nang makasama uli si GERALD

November 11, 2012

PARA kay Gerald Anderson ay “refreshing” na makasamang muli si Kim Chiu sa movie nilang “24/7 in Love” ng Star Magic at Star Cinema.

“Kasi parang bumalik ‘yung shooting noong Love Spell, Your Song,” aniya. Ang nang magkatrabaho sila uli after two years ay, “Ang dami kong nalaman sa kanya.”

“Nakapag-catch up kami.

Masaya naman ako,” sabi niya.

When asked kung “nakaSARAH” na ba ang puso niya para kay Kim, hindi kaagad nakasagot ang binata lalo’t ang pagkakabigkas ng word na sara ay tunog Sarah Geronimo.

Matagal bago nakasagot si Gerald, “Lagi namang naka-open ‘yan,” he finally said.

Ayon naman kay Kim, working with Gerald anew is exciting but kinda nerve-wracking.“Una kinabahan kasi two years na kaming hindi nagkakaeksena, hindi masyadong nagtsisikahan o nag-uusap.

Hindi ko alam kung ano ‘yung mangyayari sa screen kapag magkaeksena ba kaming dalawa.

Pero nu’ng magkaeksena na kami ay okay naman, nagkuwentuhan, nagtawanan.

‘Yung una naming eksena nakakatawa, montage, parang Love Spell.

Parang bumalik uli ‘yung ginagawa naming dati,” sabi ng dalaga.

At nang matanong kung nakasara na ba ang puso niya para kay Gerald, “siyempre, matagal na” ang nasambit ng dalaga.

“Siyempre, ano, naging magkaibigan kami ni Gerald.

Hindi kami magkaaway.

Lagi kaming…ngayon sa shooting namin nagka-catch up kami sa mga nangyari sa isa’t-isa kasi two years kaming hindi masyadong nag-uusap, hindi kami nagkikita ngayon lang.

Masaya ako na ganito kami ngayon,” paliwanag niya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: