Skip to content

Bea Alonzo ‘sarap na sarap’ kay Zanjoe Marudo

November 10, 2012

Nagkasama na sa isang project sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo pero iba ang sitwasyon noon kaysa noong nag-shooting sila ng 20th anniversary movie ng Star Magic, ang “24/7 in Love” na showing na nationwide sa Nov. 21.

“Noong narinig ko lang na magkakatrabaho kami noong una ay kinakabahan ako.

Parang  naiisip ko baka mailang ako,” pag-amin ni Bea nang makachikahan niya ang press.

Pero noong nagsusyuting na ay nawala ang kaba ni Bea, “Noong nandoon ako ay wala naman kabang naramdaman.

Natuwa pa nga ako kasi meron kaming limang araw na magkasama buong araw.

Parang ang sarap din pala na somehow ay katrabaho mo ‘yung boyfriend mo tapos wala kayong issue kasi ang tagal naming hindi nakikita ang isa’t isa kasi noong time na ‘yon ay kakagawa ko lang ng ‘The Mistress’.

Ang sarap ng lagi ko siyang kasama.”

Pero iba ang naramdaman ni Zanjoe. Merong pressure para sa kanya ang pagsasama nila ni Bea lalo pa’t magkaeksena silang dalawa.

What makes it more challenging ay bading ang role niya rito.

“Habang inaaral ko ‘yung character dagdag pa ‘yung kasama ko si Bea ay medyo nagkaroon ng konting problema sa umpisa.

Actually, yun pong mga unang araw namin hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” pag-amin ng hunk actor.

Pero naging malaking tulong ang mga baklita sa set para maitawid ni Zanjoe ang kanyang character, “Doon po sa set (ay) maraming bakla,” sabi niya.

It also helped na pati ‘yung taga-ayos ni Bea ay naging inspirasyon niya para sa kanyang role.

Sabi ni Bea sa kanyang last interview ay savior niya si Zanjoe. He was like a shining armor.

When asked to comment about it ay ito ang sabi ng hunk actor, “Nakakatuwa na hindi ko naman alam ang mga ganyang bagay tapos after ilang taon ay malalaman ko.

Meron pala akong nagawang mabuti.”

Dagdag pa niya Bea, “Lagi niya akong pinapasaya.

Alam mo ‘yung lagi niya akong niyayakap, masayang-masaya na ako kasi hindi siya ganoon dati.

Somehow kapag gumaganoon siya I feel important.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: