Skip to content

Angelica, John Lloyd sa Vietnam ‘nakabuo’

November 10, 2012

As expected, hindi na naman gaanong nakapanayam ng invited entertainment press ang mga artistang bida sa pelikulang “24/7 In Love” presscon noong Huwebes ng gabi dahil agaran na naman silang hinila ng kanilang handlers dahil may shooting pa raw ang mga ito para sa nasabing pelikula.

At kung hindi kami nagkakamali ay sa Metrobar ang venue ng shooting dahil halos lahat ng kakilala naming supporters nina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Kim Chiu, Gerald Anderson, Diether Ocampo, Maja Salvador, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Pokwang, Sam Milby, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay sumugod  sa Metrobar.

Timing din bossing Ervin na papunta rin sana kami ng Metrobar para mag-down (bilang producer) sa show nina Richard Yap (Sir Chief) at Jodi Sta. Maria (Maya), ang “Richard & Jodi 2geder” pero sinabihan na kami na baka mahirapan kaming pumasok dahil may taping nga ang “24/7 In Love”.

Anyway, ang nasabing pelikula ng Star Magic talents ay para sa 20th anniversary ng talent management ng ABS at co-producer sana si Piolo rito bukod pa sa ibang investors nila, pero nang malaman daw ni Chairman at CEO Gabby Lopez ang project ay sinabi niyang ipahawak na lang ito sa Star Cinema.Samantala, sa ginanap na presscon ay si Lloydie lang ang wala at ang katwiran ng girlfriend niyang si Angelica ay nasa taping (A Beautiful Affair) sa Batangas ang aktor kaya imposible nga namang makadalo siya.

And speaking of John Lloyd and Angelica, sa pelikulang “24/7” nabuo ang relasyon nila, ito’y noong nag-shooting sila sa Vietnam.

At ito rin ang panahong bisi-bisihan si Derek Ramsay sa mga commitment niya sa TV5 at sa ilang out of the country shows kaya nagkalamigan sila ni Angelica hanggang naghiwalay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: