Skip to content

SHAINA sinwerte, sumeksi mula nang hiwalayan si JOHN LLOYD

November 9, 2012

Pinalalabas na malas ang dating nakarelasyon

WALA mang boyfriend ngayon si Shaina Magdayao, kitang-kita naman ang freshness niya ngayon at halatang-halata sa kanyang itsura ang kaligayahan, marami nga ang nagsasabi sa kanya na mas gumanda at mas sumeksi mula nang maghiwalay sila ni John Lloyd Cruz.

Sabi pa nga ng mga supporters ni Shaina, mas sinwerte pa ang aktres sa kanyang career mila nang maging single siya, isang patunay diyan ang pag-arangkada sa ratings game ng afternoon series nila ni Jake Cuenca na Kung Ako’y Iiwan Mo na malapit na ring magpaalam sa ere pagkatapos ng ilang buwang extension.

Sa recent interview kay Shaina, inamin nito na napakalaking blessing daw sa buhay niya ang kanilang teleserye.

Paano ba niya ide-describe ang kanyang experience sa Kung Ako’y Iiwan Mo?

“Isang buong taon kaming nagtrabaho for this show.

Napaka makulay katulad ng mga characters na ginampanan namin dahil isang buong taon ng buhay namin kasama namin ang isa’t isa, pinagtrabahuan namin itong show na ‘to at sobrang napalapit na alaga sa akin si Sarah. Isang buong taon akong naging si Sarah sa show na ‘to.

Ano sa tingin niya ‘yung kinapitan ng mga manonood sa kwento ng serye?

“From the very beginning naman sinasabi namin na ang tina-tackle namin dito is ‘yung realidad ng buhay.

Kaya rin siguro sila kumapit at napamahal na rin sa mga characters namin dahil naniniwala ako na parang lahat tayo may ‘Sarah’ in them, siguro at one point sa buhay nila naging si Mia sila, o kaya nalito sila tulad ni Paul, kaya siguro talagang makakarelate ang bawat Pilipino dito.”

May naitulong ba sa kanya ang Kung Ako’y Iiwan Mo bilang isang aktres? “Marami. Isa siyang malaking challenge as ‘Sarah’.

Sobrang naging malaking challenge siya for me kasi nanay ako, kinasal ako, may annulment pa na nangyari, nagkaroon pa ako ng amnesia, na lahat naman ito ay hindi ko pa nararanasan sa totoong buhay kaya siguro sinubok niya ‘yung pagiging aktres ko but at the same time fulfilling siya kasi nga naaappreciate ng mga tao kung ano ‘yung pinapanood nila.”

Naging kontrobersiyal ang mga love scenes n’yo rito ni Jake, how would she describe the experience?

“Sa mga shows namin dati boyfriend ko lang siya, ngayon asawa ko na siya.

With Jake naman komportable talaga ako sa kanya.

Hindi naman ‘to ‘yung unang show na nag-partner kami and maasikaso naman siya and gentleman.

“Siguro sa mga love scenes namin na nagawa ko ito lang ‘yung pinakahindi ako nag-holdback.

Kasi siyempre iba pa rin ‘yun, trabaho pa rin ‘to, nakakahiya kasi maraming tao, may cameramen, so magiging uncomfortable ka but with Jake sobrang komportable ako,” paliwanag pa nito.

Pinag-usapan din ang halos everyday na sampalan nila ni Bangs Garcia, kamusta naman ‘yun?

“Pinakamaraming nasampal ko yata dito eh si Bangs tsaka si Jake. At kung meron man isang reason bakit ako masaya na magtatapos na ang show na ‘to dahil finally matitigil na ang pagiging bayolente ko.”

Paliwang pa niya, “Siyempre hindi naman maganda na nanampal ako lagi ‘di ba, but gusting-gusto ng mga tao kapag nasasabunutan ko si Mia, kapag nasasampal ko si Paul.

Dati nag-score pa sila kung sino ang may pinaka maraming sampal doon sa episode.

Maraming salamat dahil na-appreciate nila ‘yung part ng story namin na ‘yun.”

Malapit nang matapos ang serye, anong feeling? “Una, hindi ako makapaniwala na it’s been a year.

Kung eight months kaming umeere, isang buong taon na namin itong pinagtatrabahuan.

And lahat naman ng projects na nagagawa ko nagiging pamilya mo na ‘yung mga kasama mo dahil almost everyday magkasama kayo.

“Nakakalungkot kasi magtatapos na, at the same time fulfilling dahil nasa reception ng mga tao.

Kanina I posted something sa Instagram ko na we’re done to our last two taping days, overwhelming tsaka nakakatouch nga ‘yung mga feedback nila.

“Sinasabi nila sana may book two or ayaw nilang magtapos, ‘yung iba naman gusto na nilang magtapos kasi bwisit na bwisit na sila kay Mia, so natutuwa lang ako na may pinuntahan ‘yung isang buong taon na pagtatrabaho namin, kahit papaano in our own little way naka-inspire at naka-touch kami ng buhay ng mga manonood.”

Ano’ng aasahan ng mga manonood sa pagtatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo?

“Marami silang mga kailangan abangan, kung ano ba talaga ang mangyayari at kung nagustuhan nila ang mga sampalan, ang iyakan, ang sabunutan, mas marami pa sa aming huling tatlong linggo.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: