Skip to content

HEART, CHIZ nagpakaligaya sa HONGKONG

November 7, 2012

Sey ng mga tsismosa, baka nagpakasal at nag-honeymoon na...

Nag-bonding to the max ang magdyowang sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Hongkong nitong nakaraang bakasyon.

Say ni Heart, talaga raw nakapag-relax siya kasama ang kanyang dyowa nitong nakaraang Undas.

Say ni Heart, tamang-tama raw ang nasabing bakasyon dahil nakapag-recharge siya kahit paano dahil ngayong buwan hanggang sa December ay tuluy-tuloy na naman ang kanyang pagtatrabaho.

Bukod sa entry nila sa Metro Manila Film Festival 2012 na “Sossy Problems” kasama sina Bianca King, Solenn Heussaff at Aljur Abrenica, sisimulan na rin daw nila ni Geoff Eigenmann ang bago nilang teleserye sa GMA.May nagbibiro nga kay Heart, baka raw nagpakasal at nag-honeymoon na sila ni Chiz sa Hongkong kaya sobrang saya niya ngayon.

Natawa lang si Heart sa nasabing issue.

Sa mga nagsasabi naman na ginagamit lang siya ng senador sa political ambition nito, sey ni Heart, bahala na raw ang mga tao kung ano ang gusto nilang isipin, basta siya raw,

“Okey lang. hindi naman sila ang kinikilig, e!” Hirit pa ng Kapuso actress, kaya nga raw hangga’t maaari ay ayaw na niyang magsalita tungkol sa relasyon nila ni Chiz dahil mas dadami lang ang makikisawsaw.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: