Skip to content

ANGEL: Ayokong matawag na swapang!

November 6, 2012

Parang ayaw na niyang mag-Darna; pwede raw sina Maja o Jessy  

NAGDADALAWANG-ISIP pala si Angel Locsin kung tatanggapin pa niya ang “Darna” kung sakaling ialok nga ito sa kanya ng ABS-CBN dahil aniya parang mas maganda itong gawin ng mga baguhang artista.

“Siyempre gusto ko ring gawin for my network now, pero ‘yung Darna kasi magandang vehicle siya para sa baguhang artista o fresh na mukha.

So, baka naman puwede mong ibigay sa bagong artista at maganda naman ang kalalabasan.

Iniisip ko rin ‘yun, hindi naman puwedeng maging suwapang ka,” malinaw na sabi Angel.

Wala pa raw ideya ang aktres kung sino ang gaganap sa bagong “Darna” ng ABS-CBN dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya kinakausap ni Malou N. Santos ng Star TV, “Laging pinag-uusapan nga raw na ako ang gaganap na Darna, e, sana pinag-uusapan din namin.

Ha-haha!” natawang sabi ng dalaga nang makatsikahan namin sa taping ng Toda Max.“Nasabi lang na may gagawin, pero hindi naman binanggit pa kung sino, so mahirap magsalita kasi baka hindi naman matutuloy, nakakahiya naman,” dagdag pa ng aktres.

Hindi naman itinanggi ni Angel na gusto pa rin niyang mag-Darna, “Sino ba naman ang hindi, di ba?

Kaya lang, pakikinggan mo muna kung ano ‘yung story na gagawin, kasi baka iba naman di ba?” katwiran pa nito.

“Feeling ko nga, ako talaga si Darna sa totoong buhay, sobrang pinoprotektahan ko talaga ang role na Darna, lalo na pag suot ko ang costume, kesehodang malaglag ako sa stage in character ha, kasi ayokong makita ako ng bata na nakaupo lang, kasi masisira ‘yung fantasy nila,” nakangiting kuwento ni Angel.

Samantala, tinanong namin si Angel kung sino sa youngstars ng Star Magic ang gusto niyang gumanap na Darna? “Either kina Jessy Mendiola o Maja Salvador sana,” saad ng dalaga.

Sabi namin kay Angel malabong mapunta ito kay Jessy dahil meron itong Paraiso kasama si Matteo Guidicelli at si Maja naman ay kasama sa Ina Kapatid Anak, “E, sabi ko naman kung ako ang tatanungin, sila ang gusto kong pagpasahan ng bato, e, hindi naman talaga sure ‘yun.”

Dalawang taon na ring walang soap opera si Angel, ang huli pa niyang ginawa ay ang Imortal kasama si John Lloydi Cruz at masusundan na sana ito kaso nawala naman ang leading man niyang si Derek Ramsay na lumipat na sa TV5.

“Actually, hindi rin naman kasalanan ni Derek ‘yun kasi hindi pa rin naman binanggit sa kanya, ‘yun pa lang ang plano noon, e, tapos naiba, nauna ko ng gawin ‘yung ‘Unofficially Yours’ namin ni Lloydie.

Kumbaga naurong nang naurong ‘yung serye, hindi ko naman puwedeng pagsabayin ang serye,

Toda Max at ‘yung pelikula nga namin (One More Try),” paliwanag ni Angel.

Ang “One More Try” ay isa sa entry ng Star Cinema sa 2012 Metro Manila Film Festival kasama sina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo.

Balitang si Nora Aunor ang mahigpit na kalaban ni Angel para sa Best Actress category ng MMFF, “Ibigay na natin kay Ate Guy ‘yun. At saka ano ba naman ang laban ko?”

“Hindi ko pa nakatrabaho si ate Guy, pero ang alam ko, napakagaling niyang artista at gusto ko siyang makatrabaho.

Sino ba naman ang hindi gustong makasama siya at mapasama sa resume mo na, ‘Uy nakatrabaho ko ang ang Star for All Seasons o Superstar ng bayan, di ba,” anang dalaga.

Samantala, sobrang natutuwa si Angel dahil nakaisang taon na ang Toda Max lalo na nang manalo ito bilang Best Comedy program sa nakaraang Catholic Mass Media Awards.

One Comment leave one →
  1. carina grandiola permalink
    November 23, 2012 5:37 pm

    shaina magdayao for Darna!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: