Skip to content

ROBIN: May boboto ba sa lalaking ayaw umaming sila na ng anak ko!?

November 4, 2012

Ayaw pa rin kay Aljur para kay Kylie Padilla

Very vocal si Robin Padilla na hindi siya boto kay Aljur Abrenica bilang boyfriend ng anak niyang si Kylie Padilla na parehong talent ng GMA.

“Meron ba namang boboto sa hindi inaamin ang anak ko?” mabilis na katwiran sa amin ng tatay ng dalaga.

“Sabi ko nga kay Kylie, ‘Anak, nakakatawa kayo, nagmamahalan kayo, tapos sasabihin sa akin, priority ang career? What!?

“Buti sana kung hindi ako artista!

Nagmamahal ka, sabihin mo!

Ang tao naman hindi naman mababaw, huwag nating gawing tanga ang mga tao! Sa tingin mo ba, maloloko pa natin ang mga tao ngayon?” katwiran ni Binoe.

Nakakatawa nga bossing Ervin, hindi inaamin ni Aljur na girlfriend niya si Kylie, pero lagi namang nakikitang nagde-date sila.

Lumabas din ang isyu na naghiwalay sila pero nagbalikan din.

“Hangga’t hindi kasi nagsasalita si Kylie, napaka-awkward naman kung ako pa magtatanong.

Basta ako pag mahal ko, talagang hindi ko itinatago, alam ko ‘yang mga ganyan-ganyan, artista rin ako, kaya lang ako, wala akong pakialam sa career ko, basta pag mahal ko, aaminin ko!

“Unang-una Muslim kami, ako ba may iniintinding career kapag gusto ko ang isang babae?” dagdag pa ng action star.

At marahil, dahil daw sa takot ni Kylie sa ama ay never daw itong nakitang umiyak ni Robin kapag may problema sa lovelife, “E, hindi niya siguro magawang ipakita at baka…” pabiting sambit ng aktor.

At isa pang pamantayan ni Binoe na seryoso si Aljur sa anak ay kailangang mag-aral daw ang binata ng Islam, “Kung talagang serious siya, dapat mag-aral siya ng Islam.

Sabi naman ni Aljur nu’ng kinausap ko siya, handa naman daw siyang mag-aral ng Islam.”

At dahil humarap na si Aljur kay Binoe, sa madaling salita, seryoso at handa na niyang panindigan si Kylie?

“E, hangga’t hindi siya nag-aaral, hindi ko masabi, kasi nga nakakatawa, hindi inaamin.”

Tinanong naman namin si Robin kung Muslim pa ba si Kylie dahil mukhang si Queenie lang ang active ngayon sa kanilang relihiyon?

“Ewan ko sa kanya, pero pag tinanong mo, sasabihin niya Muslim siya, e, di Muslim.

Basta ako, hindi kami nagkukulang ng paalala sa kanya,” tugon ni Robin.

Sa madaling salita, mas masunurin  si Queenie kaysa kay Kylie?

“Ay hindi, pare-pareho ang mga ‘yan (matitigas ang ulo), mga anak ko ‘yan lahat ‘yan hindi mo puwedeng kontrahin.

Kaya ako hindi ko sila puwedeng kontrahin, kung ano ‘yung trip mo, trip mo ‘yan, kasi nadaanan ko lahat ‘yan.

“Si Queenie lang, naiba lang mula nu’ng nag-Hajj, ayaw ng mag-artista.

Nag-Hajj siya, e, nakita niya uli ‘yung life, so praise God!

Ngayon, mag-aaral na raw ulit siya (college),” paliwanag ulit ng aktor.

O, Aljur, ngayon alam mo na kung ano ang kailangan mong gawin para makuha mo ang boto ni Binoe.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: