Skip to content

ENCHONG DEE ipaglalaban ang pagmamahal kay JULIA MONTES

November 4, 2012

WALA naman kaming makitang bakas ng pagseselos o matinding kalungkutan sa mukha ni Enchong Dee.

Kalat na kalat na kasi ang chika na nagkakamabutihan na raw sina Coco Martin at Julia Montes.

Alam naman nating lahat kung gaano kamahal ni Enchong si Julia, di ba?

Mismong ang Kapamilya actor na ang nagsabi na handa siyang maghintay kay Julia, hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapasagot ang dalaga.

Hinihintay din ni Enchong ang ika-18 kaarawan ng dalaga (next year) para maitodo na niya ang panliligaw dito.

Pero ayon nga sa mga tsismis, mukhang nahuhulog na raw ang dalaga sa ka-loveteam nitong si Coco Martin at balitang unti-unti na ring napapalapit ang kalooban ng aktor sa kanyang leading lady.So, paano na nga si Enchong pag nagkataon?

Handa kaya siyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Julia?

Sa huling interview ng press kay Enchong, parang hindi naman daw ito apektado sa mga naglalabasang balita tungkol kina Julia at Coco, sa katunayan, mas gumuwapo at mas mukhang fresh daw ngayon si Enchong.

Inspired din daw ang aktor dahil umaariba sa ratings game ang kanilang serye sa Primetime Bida na Ina Kapatid Anak.

Kuwento pa nga ni Enchong mas madalas na raw silang magkita ni Julia ngayon dahil sa ginagawa nilang pelikula, ang “The Strangers” na isa sa official entries sa 2012 Metro Manila Film Festival.

“Ngayon hindi na siya mga text text or tawag na lang, ngayon magkausap na kami ng harapan.

To be honest mas madalas kami magkasama ngayon kasi ginagawa nga namin ‘yung ‘The Strangers’.

“Magkasama kami and lahat ng eksena ko is with her, so mas madalas kaming magkasama ngayon kasi sa buong cast siya lang ‘yung meron akong eksena with.

We have more time now pero patapos na rin kami mag-shoot nu’n pero excited ako sa promo namin kasi magkakasama kami talaga,” kuwento ni Enchong sa isang interview.

Habang sinusulat namin ang column na ito ay kasalukuyang nasa Amerika sina Enchong at Julia para sa series of shows.

Doon na rin siya magse-celebrate ng kanyang birthday sa Lunes.

Ang kanyang wish, “Basta ayoko lang magkasakit, ‘yun lang.

Kasi nararamdaman ko na paunti-unting humihina na ako pero gusto ko na huwag lang ako magkasakit, yun lang ‘yung dinadasal ko.”

Speaking of Ina Kapatid Anak na napapanood pagkatapos ng Princess And I, nagpapasalamat si Enchong sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang programa kung saan ka-partner niya si Maja Salvador, ang tandem nina Kim Chiu at Xian Lim, Janice de Belen at Cherry Pie Picache.

“I’m just so thankful sa lahat ng mga nanood kasi ‘yung unang week puro pa lang na puro ‘yung mga senior actors natin nandun pero nag-pick-up na kagad and ‘yung naging trending topic, ‘yun nakakataba ng puso ‘yun.

“Tapos nu’ng lumabas kami, napag-uusapan na rin kaya hindi pa namin alam kung saan kami magsisimula sa pasasalamat kasi puro trabaho rin pero soon gagawa kami ng pasasalamat at celebration sa lahat,” kuwento pa ni Enchong.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: