Skip to content

ANGELICA kay LLOYDIE: Sobrang guwapo niya! siya na talaga!!!

November 3, 2012

Kaguwapuhan at  abs ni Derek biglang nalaos

GRABE ang nararamdamang pagmamahal ni Angelica Panganiban para sa karelasyon niya ngayong si John Lloyd Cruz.

Hindi nga raw niya in-expect na may magmamahal sa kanya tulad ng ibinibigay ni John Lloyd sa kanya.

Sa presscon para sa ikaapat na taon ng show nila na Banana Split, nasolo namin si Angelica and asked her kung feeling nasa ere ba siya ngayon. Heto ang sagot niya, “Ere?! Medyo!”

Nagsabi si John Lloyd na  hindi siya makapaniwala na may gumawa ng kanta sa kanya, “Ang gwapo niya, e. Siya na!” natatawang sabi ni Angelica.

Next week ay birthday na ni Angelica. For sure, big deal ito for John Lloyd kaya by this time nag-iisip na siya ng ireregalo sa kanyang love.

Last taping ng Banana Split nag-celebrate ng kanyang birthday sa show si Angelica.

At siyempre pa, umapir si John Lloyd sa nasabing gag show na mapapanood sa susunod na Sabado.

Nagpapasalamat din si Angelica sa kanyang Banana Split family at sa mga patuloy na tumatangkilik sa comedy show para sa masayang apat na taon.

“Sobrang blessed po ako at naging parte ako ng show na ‘to.

Gusto ko kasi talaga ‘yung nagpapasaya,” pahayag ni Angelica.

Pagkatapos ng birthday ni Angelica, magiging very memorable naman ang unang Pasko nila ni John Lloyd this year.

Sa ngayon, wala pang naiisip na regalo si Angelica for Lloydie.

“Baka ano peace of mind, tsaka happiness,” birong seryoso ni Angelica.

Kabibili lang daw ni Angelica ng bagong bahay sa Kyusi kaya baka ‘di siya makapagregalo ng bonggang material gift for Lloydie.

Hinuhulugan pa raw niya ang bago niyang bahay.

Iniisip pa raw ni Angelica kung ibebenta niya ang bahay na binili niya sa South noong sila pa ng hunk actor na si Derek Ramsay, “Depende kung makuha ko siya,” lahad niya.

E, between Mercedes Benz and Mini Cooper, ano ang gusto niyang iregalo sa kanya ni John Lloyd? “Basta umaandar okey na ako,” ngiti niya.

Speaking of Mini Cooper, wala raw sa kanya ang napabalitang iniregalo sa kanya noon ni Derek.

“Wala may nagbenta, e,” sey ni Angelica.

Natawa nang bahagya si Angelica noong tanungin namin siya kung sino ang nagbenta ng Mini Cooper.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: