Skip to content

Media nabwisit kay ANGELICA, binantaan ng ‘GIYERA’

November 2, 2012

Dahil sa mataray at pabalang na pagsagot sa mga tanong

MAY mga nakausap akong ilang kasamahang members of the press na parang naaasar sa pagmamaldita ni Angelica Panganiban lately lalo na sa mga pabalang daw nitong pagsagot sa mga tanong tungkol sa relationship niya with John Lloyd Cruz.

Para raw palaging may reglang mainit ang ulo ang kontrobersiyal na dalaga kaya nawawalan na raw ng gana ang ilang press friends natin sa kanya.

“Naloloka ako sa mga papilosopong sagot ng babaeng iyan everytime na may magtatanong about her and John Lloyd.

Paki-remind nga yang matabang Angelica na iyan na artista siya at natural lang na matanong siya tungkol sa personal niyang buhay.

Hindi krimen ang pagtatanong ng press, kaya huwag siyang masyadong mayabang.

“Kung ayaw niyang sumagot sa mga tanong, karapatan niya iyon pero huwag siyang mag-feeling na parang utang na loob pa ng press ang magtanong sa kanya.

Publicity rin iyon for her, di ba niya alam? My gosh! Unang-una, wala naman tayong pakinabang sa babaeng iyan, ‘no!

We don’t owe her anything, siya ang may utang na loob sa atin kung tutuusin dahil kung hindi dahil sa mga isinusulat natin ay hindi sila nakilala ng publiko.

Dapat marunong din siyang makisama.

“Ang ikinabuwisit ko lang ay ‘yung sagot niya sa nagtanong kung engagement ring ba nila ni Lloydie yung ipinost niyang diamond ring sa Instagram.

Mantakin mo ba naman sagutin niya na ang kikitid naman daw ng utak ng mga taong nag-iisip na engaged na sila.

May pera raw siyang pambili ng singsing.

“Kasi raw, private moments daw ang ipino-post nila sa Instagram kaya ‘wag daw silang pakialaman.

Wait lang! Anong private-private ang sinasabi niya?

Kung private iyon, di sana hindi nila ibinabandera sa buong mundo?

Natural na pagpipistahan ng mga reporters iyan dahil materyal iyan para isulat.

Kaya huwag siyang naiirita kung natatanong siya tungkol kay John Lloyd.

Sabihin lang niya kung gusto na niyang mag-declare ng war with the movie press at ready kami anytime!” ang galit na galit na sumbong sa amin ng isang mahadera ring reporter.

“Kung ayaw niyang pinakikialaman siya sa buhay niya, huwag na siyang mag-artista.

Sabihin lang niya kung gusto niya ng away at handa kami.

Tingnan natin kung tatagal siya sa showbiz kung wala ng reporter na magsusulat tungkol sa kanya.

Ang yabang ng babaeng iyan!” pahabol pa ng kausap natin.

May punto naman ang friend nating ito, ‘no! Maraming ganyang artista – hindi lang si Angelica Panganiban.

Pero kung pakaiisipin mo, wala naman talaga kaming pakinabang sa mga tulad nina Angelica at  John Lloyd dahil hindi naman kami nagba-bond talaga with them.

Love namin sila kahit paano pero sila yung tipong kahit hindi namin makita for the rest of our lives ay okay lang.

Kasi nga, hindi naman kami close, hindi tulad ng friendship namin kina Sam Milby, Richard Poon, Nora Aunor, Jodi Sta. Maria and who else?

Sweet si Lloydie yes, pero hanggang pangisi-ngisi lang iyon.

Ni hindi nga namin naiimbitahan iyan sa birthday namin or what.

Ni hindi nga kami naaalala kapag Pasko – no, not really the gifts – just a simple Christmas card kahit walang kasamang regalo  ay hindi naman naiisip ng mga iyan.

Kaya nauunawaan ko ang kausap namin sa kanyang hinaing.

Para sabihin nga naman ni Angelica with pagyayabang na may pera siya at kaya niyang bumili ng singsing at hindi para isiping engagement ring nila ni Lloydie yung ipinost niya sa Instagram.

Loka-loka nga naman itong si Angelica, alam naman niyang mainit siya sa media dahil naging kontrobersiyal nga ang relasyon nila ni John Lloyd, kung ayaw pala niyang pag-usapan sila, hindi na lang sana siya nag-post ng ganoon.

Isyu lang pala ng engagement ring echos iyon, parang mauuwi pa yata sa World War 4.

Hay naku, huwag kasing magmaldita – sumagot nang maayos, OK?

Naku, kung sa akin nangyari iyon, baka tinalakan ko ag babaeng ‘yan ng bonggang-bongga.

Or baka tinalikuran ko na lang siya sabay taas ng kilay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: