Skip to content

ANDI EIGENMANN hindi matanggap ng mga magulang ni JAKE EJERCITO

November 2, 2012

Dahil nagkaroon na ng  anak  sa ibang lalaki

Jaclyn Jose: Ayokong magsalita, Presidente ‘yan, ‘no!

MARAMING gustong sabihin si Jaclyn Jose tungkol sa relasyon ni Andi Eigenmann sa anak nina dating Pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez na si Jake Ejercito.

Pero sabi ng magaling na aktres, tatahimik na lang daw siya, hindi na siya makikisawsaw sa pinagdadaanan ngayon ng relationship nina Andi at Jake.

Kamakailan ay inamin ni Andi na masaya ang lovelife niya, hindi man niya diretsahang sinabi, pero give away na nga na ang tinutukoy niyang lalaki na nagpapasaya sa kanya ay ang binatang anak nina Erap at Laarni.

Sa thanksgiving party na ibinigay ng Viva Films para sa tagumpay ng pelikula nina Andi, Derek Ramsay at Anne Curtis na “A Secret Affair”, tinanong si Jaclyn kung alam ba niya ang tungkol sa lovelife ni Andi.

“Oo, pero bawal, e. Pero hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sabi ko lang, meron, dagdagan natin, baka ayaw ng parents,” nangingiting pahayag ng mommy ni Andi.May chika kasi na hindi boto ang pamilya ni Jake kay Andi dahil nga sa pagiging dalagang ina nito, “Mahirap magsalita dahil Presidente ‘yan!

Marami akong gustong sabihin.

Pero hindi ko na sasabihin kasi Presidente ‘yan, ‘no?

“Saka love ko rin naman si Erap.

Magkakaibigan kami bago it happened.

Ano na lang, give it to the children. Let them fall in love,” makahulugang depensa ni Jaclyn.

Inamin din ng aktres na okay naman daw ang relasyon nila noon sa pamilya ni Jake, “Oo, e. Pero before ‘yun.

Pero ‘yun nga—yung tagasalo ‘ata?” pabiting chika pa ni Jaclyn na ang tinutukoy nga ay ang pagkakaroon ng anak ni Andi.

Nanghihinayang nga raw si Jaclyn sa magandang relasyon nila sa pamilya ni Jake, kung noon daw ay invited sila lagi sa mga espesyal na okasyon, ngayon daw, “Hindi na kami kasali.

Like, every New Year, doon kami, di ba?

Ngayon, hindi na kami kasali.

Magmula nu’ng maliit sina Andi at Jake, si Yca (Veronica Jones, sister ni Jaclyn), ‘yung mga pamangkin ko, doon kami nagnu-New Year.

Ngayon, hindi na kami iniimbitahan.

“Nalungkot ako for my sister.

Kasi ‘yung sister ko, best friend niya (si Laarni), e,” pag-amin pa ng aktres.

Ang maipapayo lang daw niya kina Andi at Jake ay, “Alam mo, ang sa akin, matanda na si Jake, matanda na si Andi.

Gumawa na lang sila ng paraan on their own.

Kung gusto nilang ilaban ang sarili nila—be quiet about it, fall in love.

Huwag na lang maging hadlang yung mga tao sa paligid nila.

“As much as they have to obey their parents, do it na lang in a manner na walang sasama ng loob,” hirit pa ni Jaclyn Jose na puro papuri ang natatanggap dahil sa bonggang performance niya sa “A Secret Affair”.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: