Skip to content

‘KAYAMANAN’ ni WILLIE winawaldas ng tatay ni JANJAN

October 30, 2012

MABUTI na lang at naalala ko ang kuwento ng isang kaibigang nakasabay nitong ama ni Janjan, ang kontrobersiyal na batang nag-macho dancing noon sa show ni Willie Revillame sa TV5, sa isang inuman sa Cavite.

Tagaroon pala ang mag-ama – si Janjan ay nag-aaral pala ngayon sa isang exclusive school malapit sa kanila samantalang ang ama nito ay may parlor na itinayo pero hindi naman daw naaasikaso bagkus ay laman ng inuman with some friends and all.

Regular pa rin daw ang P60,000 monthly support ni Willie sa bata mula nang ito’y masuong sa malaking controversy sa kanyang show.

Iyon ang naging kasunduan nila yata para hindi na lang madiin si Willie Boy at pag-initan ng DSWD.

Anyway, isang kaibigan naming nagtatrabaho as a salesman sa SM Bacoor ang nagkuwentong minsan daw ay nakasabay niya sa isang comedy bar ang ama ni Janjan at nang malasing daw ito, sa hindi batid na kaalaman ng kaibigan ko, sinampal diumano nito ang isang sing-along master. Ang ingay pa raw nitong ama ni Janjan na ipagyabang na baka hindi raw nila kilala kung sino ang padrino niya – si Willie Revillame raw kaya dapat ay mag-behave sila or else? Nagmamaneho pa raw ito ng lasing (bigay din ni Willie ang gamit na sasakayan).

Talagang living in style daw ang ama ni Janjan na may “pagkamahinhin” daw.

Minsan daw ay may nabangga itong isang sasakyan while driving under the influence.

Si Willie rin daw ang pinagyabang niya sa nakabanggaan. Iyan ang kuwento ng source namin.

“Sa pagkakaalam ko, binigyan sila ni Willie ng bahay at lupa, dalawang sasakyan at P60,000 monthly hanggang makapagtapos ng pag-aaral si Janjan.

Kaya yung parlor na itinayo ng ama ni Janjan ay di na niya naaasikaso, wala siyang pakialam kung kumikita ito tutal meron naman silang malaking monthly allowance na nakukuha kay Willie.

“Nang minsan ngang malasing iyan, may nanakot sa kanyang ipaparating daw nila itong pinaggagagawa niya kay Willie at ang sagot daw ng tatay, hindi raw siya natatakot.

Magbabaligtad daw siya at sa Dos lalapit. Kahit joke sana ay hindi na niya ipinagngangawa ito, ang pangit kasi.

Nakikinabang na sila doon sa tao (kay Willie) pero nakukuha pa niyang magsalita ng ganoon.

Sobrang yabang na ng tatay ni Janjan na iyan.

Pag nalaman ni Willie iyan, baka malintikan sila,” anang isa pang nagkuwento sa amin.

Sa totoo lang, hindi namin kilala ng personal ang mag-amang ito pero napanood namin sa TV ang controversial dance number na iyon ni Janjan.

More than sa natuwa ay medyo nahabag kami sa ikinilos ni Janjan sa TV, kasi nga, that dance step was strictly for adults lang.

Pang-gaybar iyon pero sabi nga ng bata ay mismong ang ama niya ang nagturo sa kanyang sumayaw ng ganoon.

Kahit nga raw sa school events nila at sa mall guestings ng bata, talagang nagma-macho dancing daw ito.

Kaloka, di ba? Sana ay alagaan ng mag-ama ang perang ibinibigay sa kanila ni Willie Revillame.

Hindi habambuhay na malakas at malusog si Willie, in fact, nagkakasakit na ito lately.

Hindi habampanahon silang masagana dahil di natin alam kung hanggang kailan sila makakatanggap kay Willie ng ganoon kalaking financial support.

We are not writing this para putulin ni Willie ang sustento niya sa mag-ama, ang sa amin lang, sana ma-realize nila na hindi ganoon kadaling kumita ng pera.

Buti nga sila tumatanggap na lang nang walang kapagod-pagod, eh.

Dapat pahalagahan nila. Malaking pera iyon, bah!

Hindi ordinaryong sustento ang natatanggap nila.

Kaya dapat ay alagaan niya.

Pag um-OA na siya, doon na dapat mag-isip-isip si Willie Revillame, tama?

Anyway, bukas naman ang pahinang ito para sa panig ng ama ni Janjan, siguro kailangan niyang ipaliwanag ang isyung ito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: