Skip to content

BEA ALONZO: Parang ngayon lang ako nagdadalaga!

October 30, 2012

Dahil sa pagmamahal at pag-aalaga ni Zanjoe

“Perfect and beautiful relationship” naman kung ilarawan ni Bea Alonzo ang relasyon nila ngayon ni Zanjoe Marudo.

Bukod sa nagkakasundo sila sa maraming bagay ay wala ring intriga sa kanila.

Dahil sa mga naging relasyon ni Bea ay parang ngayon pa lang daw siya nagdadalaga.

Nabanggit din niya na kadalasan daw kasing naririnig niya noon sa mga may karelasyon ay imposible raw magkasabay ang lovelife at career lalo na kung parehong taga-showbiz.

“Alam mo, for the longest time, maniniwala na sana ako na mamimili ka kung career ba o lovelife.

Kapag okay daw ang lovelife, walang career.

Pero I’m a living proof na, okay, puwedeng magsabay,” pahayag ng leading lady ni John Lloyd sa seryeng A Beautiful Affair.Kaya ang sumunod na tanong kay Bea ay kung hindi ba siya nahirapang pagsabayin ang career at lovelife? “Alam mo,I’m very lucky na understanding ‘yung boyfriend ko.

Siguro malaking bagay na pareho kaming artista, naiintindihan niya yung schedule ko.

The more na hindi kami nagkikita, the more na mas nagiging sweet yung relationship namin.”

At dahil seryoso naman sa relasyon nila sina Zanjoe at Bea ay pwede na ba nila itong itaas ng level, tulad ng kasal?

“Siyempre, dahil nandito ako sa relationship ngayon, every relationship naman ganu’n, e, nag-iisip ka na sana kami hanggang sa dulo.

“Pero hindi naman ako puwedeng magsalita nang tapos dahil baka mamaya magkaproblema along the way, hindi namin maano yung differences namin.

I could only wish na sana kami hanggang sa dulo, pero masyado pa po akong bata para pag-isipan ‘yan.

I just turned 25. Sana, ideally, I’m gonna get married mga 29 or 30.

“Baka masyado pa pong maaga para sabihin kong kami talaga.

Pero sana, I could only wish na maging kami talaga sa dulo,” mahabang paliwanag ng aktres.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: