Skip to content

ANGELICA tuloy ang kadramahan, ayaw pa ring tantanan si DEREK

October 30, 2012

Hindi totoong maligaya sa piling ni John Lloyd

Tama ang obserbasyon ng aming mga kausap na bakit ganu’n, sabi nang sabi si Angelica Panganiban na maligaya na siya ngayon kay John Lloyd Cruz, pero ang mga lumalabas naman sa kanyang bibig ay kabaligtaran nu’n.

Kahit sa kanyang pagtu-tweet ay halatadong pilit ang mga pahayag ng dalaga, puro patambis at parinig pa rin kasi kay Derek Ramsay ang kanyang mga sinasabi, meron nga ba namang maligayang taong ganu’n?

“When not asked, Derek doesn’t say anything about her, kung magsalita man ‘yung tao tungkol sa kanya, e, walang masama, kaya maraming humahanga kay Derek.

“Si Angelica naman, napakahilig niyang mag-post ng mga salitang may bitterness, puro parinig ang mga pinagsasasabi niya, samantalang ang gusto niyang malaman ng publiko, e, maligaya na siya ngayon kay John Lloyd!

“Ano ‘yun? Iba ang mga sinasabi niya sa mga ginagawa niya?

Lumalabas tuloy na hanggang ngayon, kahit sila na ni JLC, e, si Derek pa rin ang nakakaapekto sa kanya,” simulang reaksiyon ng aming impormante.May punto ang aming mga kausap, inconsistent nga naman si Angelica, habang sinasabi niyang maligaya na siya ngayon sa piling ni John Lloyd ay mas lumulutang ang impresyon na walang katotohanan ‘yun.

Ang tunay na maligaya ay wala nang itinatagong galit sa dibdib, maliwanag na ang tingin niya sa mundo, tanggap niya ang katotohanan na ang pakikipagrelasyon ay parang pagnenegosyo rin na minsan ay natatalo tayo at kung minsan ay nananalo naman.

Hanggang patuloy ang pagpaparunggit ni Angelica Panganiban kay Derek Ramsay, hanggang lingon siya nang lingon sa mapakla nilang nakaraan, ay walang maniniwalang totoo ang kanyang ipinagmamalaki na maligaya na siya ngayon kay John Lloyd Cruz.
Peksman.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: