Skip to content

Sobrang close na, MATTEO umuutot sa harap ni JESSY

October 28, 2012

May pag-asa naman daw si Matteo Guidicelli kung manliligaw siya kay Jessy Mendiola, ang leading lady niya sa bagong serye ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Paraiso.

“I am not closing my doors to anyone naman, so I guess, oo naman.

Bakit hindi?” say ni Jessy nang tanungin kung okay lang sa kanya kung biglang manligaw si Matteo sa kanya.

In fairness, very open na ngayon si Jessy sa kanyang personal life, hindi tulad noong nali-link sila ni JM de Guzman na talagang halos ilihim niya ang totoong namamagitan sa kanila ng aktor.

Say ni Jessy sa presscon ng Paraiso na magsisimula na sa Nov. 5, hindi raw sila nagkabalikan ni JM, pero friends na uli sila.

Sinabi rin ng aktres na talagang hiyang-hiya siya nang ibandera ni JM sa publiko ang pagmamahal nito sa kanya, lalo na nu’ng mag-guest ito sa Kris TV. Dito raw nagsimula ang hindi nilang pagkakaintidihan.

At ang dating MU status nila ay nabura na lahat.

“Pero okey naman kami ngayon. We’re friends, parang normal ulit. Normal din po na nagkikita kami ulit,” say ng aktres.

“Sobrang sweet niya at passionate — ‘yun lang ang masasabi ko ngayon,” dagdag pa nito.

Marami naman ang nagsasabi na matindi ang chemistry nina Jessy at Matteo sa Paraiso.

Balita ring sa sobrang close nila ngayon ay umuutot na raw si Matteo sa harapan niya, “Bakit, puwede naman ngayon, a!” natatawang chika ni Jessy.

“Kasi po kami ni Matteo, hindi ko akalain na ganito kami magiging close at open sa isa’t isa.

Hindi ko ini-expect ang pagiging humble niya at nice kaya hindi malayo na maging close kami,” kuwento pa ni Jessy.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: