Skip to content

KRIS: Wag na nating guluhin si JAMES, may GF na siya!

October 28, 2012

TINUKSU-TUKSO si Kris Aquino ng mga guests niya sa Kris TV noong Biyernes sa dati niyang asawang si James Yap.

Napag-usapan kasi ang basketball player nang maungkat ang production number ni Vice Ganda sa Showtime last week.

Ipinaliwanag ni Kris kung bakit hindi raw natuloy ang guesting ni James sa Showtime, isa sana ang ex-husband ni Tetay sa makakasama ni Vice sa kanyang production number, pero hindi nga ito nakarating dahil sa injury na tinamo nito sa paglalaro ng basketball.

Ayon kay Kris, talaga raw nakiusap pa ang anak na si Bimby sa tatay niya para lang pagbigyan si Vice, in fairness, pumayag naman daw agad si James pero ‘yun nga lang, bigla nga itong nagkaroon ng injury.

Of course, naintindihan naman ni Vice ang nangyari.

Pagkatapos mag-explain ni Kris, umariba na ang co-host niya sa Kris TV na si Melai Cantiveros sa panunukso sa kanya, na sinundan pa nina Iza Calzado, Karylle at Sunshine Garcia ng Sexbomb.

Bigla namang nag-react si Tetay, “Naku, huwag na, may girlfriend na ‘yun! Huwag na nating guluhin.Masaya na ‘yung tao!”

Hirit naman ni Iza, “Oo nga, ang billionaire businessman, di ba? Ha-hahaha!” Na sinagot naman ni Kris ng, “Why not! Ha-hahaha!”

Nasa Korea na ngayon si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, ilang araw din silang magbabakasyon doon, next week na ang balik nila, pagkatapos na ng Undas dahil didiretso na sila ng Hong Kong sa Oct. 31 at as Nov. 3 na ang uwi nilang mag-iina.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: