Skip to content

REGINE ayaw mag-pose nang nakaburles sa MEN’S MAGAZINE

October 27, 2012

‘Ano naman ang ipakikita ko, mga kamot!’   

Ngayong bumalik ang dating katawan ni Regine Velasquez – at mas sumeksi pa nga – naitanong sa kanya kung posible bang mag-pose rin siya ng sexy sa isang men’s magazine tulad ng ginawa ng ilang kaedad niyang mga mommy sa showbiz.

“Ha? Bakit ko naman gagawin ‘yun? Ipapakita yung mga kamot?” natatawang sagot ng Songbird. “Sa asawa ko na lang, sa kanya na lang ‘yun, okay na ‘yun.

“Dati pa kasi nila ako ina-ask (para mag-pose ng sexy), pero bata pa ako nu’n.

Wala pa akong asawa.

Pero, parang hindi ko… parang hindi naman bagay. Okay na ‘yun!” hirit pa ni Regine.

“Actually, daring naman talaga ako kasi kahit mga pictorial ko, meron akong naka-topless.

But if…kasi ginagawa ko for me, for my album, for a book, my book.

Pero hindi ako comfortable sa men’s magazine,” pahabol pa ng Songbird sa presscon ng kanyang 25th anniversary concert na “Silver” sa MOA The Arena on Nov. 16.Anyway, ngayong gabi, sa kanyang cooking/talk show na Sarap Diva sa GMA 7, makakasama niya ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa at sina Kyla at Rich Alvarez.

Sasamahan nila si Regine sa pagluluto ng Kung Pow Shrimp abang ise-share naman ni Kyla ang kanyang specialty – Chicken Menudo.

May handog na trick or treat naman si Mona Louise Rey at ilang kaibigan.

It’s all about love, marriage and the many revelation about the two showbiz couples sa Sarap Diva, 9:30 a.m..

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: