Skip to content

MATT EVANS nag-birthday sa selda, pero wala raw siyang kasalanan

October 23, 2012

Puro kasinungalingan daw ang lahat ng akusasyon sa kanya

MARAMI ang na-shock sa ginawang pag-aresto sa Kapamilya actor na si Matt Evans noong Sabado nang dahil sa pananakit diumano sa kanyang live-in partner at sa kapatid nito.

Ikinulong si Matt sa presinto ng Barangay San Miguel, Pasig.

Nakaposas at nakatalukbong ang ulo ng aktor nang dalhin sa presinto.

Ito’y matapos nga siyang sampahan ng kanyang partner na si Jhonelline Hickins at ng kapatid nitong si Juan Alberto Hickins ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Balitang nakipag-appear pa raw si Matt sa mga preso sa loob ng selda.

Umiiyak naman daw ang kanyang nanay at ilang kapamilya na sumama sa kanya sa presinto.

Base sa ulat ng pulisya, nagsimula raw ang lahat ng mag-away sina Matt at Jhonelline sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay, ang pag-inom at pakikipagbarkada raw ni Matt ang ugat ng kanilang pagtatalo. Balitang gumulong at nahulog daw si Jhonelline habang sila’y nag-aaway ng aktor.

May ulat din na gusto na raw ni Matt na hiwalayan si Jhonelline ngunit nagbabanta raw ang babae na magpapakamatay kapag iniwan niya ito.

Dinenay naman ng babae ang balitang lagi siyang naglalaslas ng pulso sa tuwing mag-aaway sila ni Matt.

Sa selda sinalubong ni Matt ang kanyang kaarawan kahapon kasabay ng naganap na inquest sa kanyang kaso  sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Kahapon din ng hapon nakalabas ng kulungan si Matt matapos makapagpiyansa ng P200,000.

Ipinagdiinan ng kampo ng aktor na wala itong kasalanan.

Nauna nang sinabi ni Atty. Gerly Rico na, “Matt denies having inflicted any injury against his girlfriend or her brother.

In fact it was Matt who was hit on the leg and who was threatened with a knife.

We are awaiting the legal process to proceed so that Matt’s name will be cleared from all the accusations which are nothing but lies,” sabi pa nito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: