Skip to content

DEREK, bagong GF parehong bigo sa pag-ibig

October 23, 2012

Sa isang pagkakataon na ang akala ng lahat ay nalulungkot si Derek Ramsay sa kanyang sitwasyon ngayon ay hindi naman pala ganu’n ang nagaganap.

Ayaw lang niyang ipagmakaingay, pero aminado ang guwapong hunk actor, “I’m very, very happy right now.”

Hindi nga lang masaya ang tamang termino sa kundisyon ng kanyang puso ngayon, maligaya siya, at isang babaeng hindi taga-showbiz ang nagpapaligaya sa kanya ngayon.

Kung hindi man niya pinapangalanan ang nagpapasaya sa bawat paggising niya ngayon ay madaling intindihin si Derek, pareho silang galing sa isang masakit na nakaraan, gusto niyang itago muna ang kung anumang namamagitan sa kanila ngayon.

Marespetong pakiusap ni Derek, “What I can say is I’m very, very happy right now.

I’m very much inspired, everything runs positively, masaya ako ngayon.”

Bukod sa nagpapaligayang babae sa kanya ay maraming iba pang dahilan kung bakit masaya ngayon si Derek, malapit nang magsimula ang isang malaking hamon sa kanyang pagiging host, ang The Amazing Race Philippines na sa Oct. 29 na mapapanood sa TV5.Sabi niya, “Sabi ng mga namamahala sa show all over the world, itong sa Pilipinas daw ang pinakagusto nila, ito raw ang pinaka-exciting at pinakamaayos at pinakamasaya.”

At bukas ay ipalalabas na rin ang kanyang pelikula kasama sina Anne Curtis at Andi Eigenmann, ang “A Secret Affair”, na matagal nang inaabangan ng ating mga kababayan para sa bagong kilig at dramang ibibigay ng pelikula.

Palaging totoo sa kanyang sarili at sa publiko si Derek Ramsay, kaya kapag sinasabi niyang “I’m very, very happy right now,” ay naniniwala kami.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: