Skip to content

ANNE VS ANDI: Hubaran at sampalan sa ‘A SECRET AFFAIR’

October 23, 2012

IBANG-IBA pala talaga ang tema at konsepto ng “A Secret Affair” nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Andi Eigenmann ng Viva Films kesa sa napanood na nating mga pelikulang may kuwentong kabitan o agawan ng asawa.

Napanood namin ang “A Secret Affair” sa premiere night nito noong Linggo sa SM Megamall, present ang tatlong bida ng pelikula na sina Anne, Derek at Andi, nandu’n din para sumuporta kay Anne ang kanyang mga kaibigang sina Kris Aquino at Vice Ganda.

In fairness, nagustuhan namin ang “A Secret Affair”, as usual hindi kami binigo ni Anne dahil muli niyang ipinakita sa pelikula ang ibig sabihin ng pagiging tunay na aktres.

Halos lahat ng eksena niya ay walang tapon, tama nga ang sinabi niya sa amin na mula simula hanggang ending, e, puro highlights ang mapapanood ng mga tao

At talaga namang umaapaw ang kagandahan at kaseksihan ni Anne sa pelikula, at uulitin namin, walang ibang makakaagaw sa kanya ng titulong “Dyosa” dahil mula umpisa hanggang katapusan ng “A Secret Affair” ang ganda-ganda at ang sexy-sexy ni Anne, lalo na nu’ng naglalandian sila ni Derek sa kama.At tulad din ng inaasahan namin, bibigyan din ng magandang laban ni Andi si Anne pagdating sa akting.

Kahit na medyo may kaliitan, hindi pumayag si Andi na lamunin ni Anne sa kanilang mga eksena.

Bagay na bagay sa kanya ang maging kontrabida – nakikita namin sa kanya ang atake ni Cherrie Gil sa pagiging villain – sosyalerang maldita, kontrabidang may class!

Magaling ang lahat ng artistang kasali sa “A Secret Affair” na idinirek ni Nuel Naval, siyempre, wala na kaming masasabi pa sa galing ni Derek bilang aktor, gamay na gamay na niya ang mga ganitong role.

Abangan n’yo na lang ang mga nakakalokang love scene niya kina Andi at Anne, dahil tiyak na madadarang din kayo! Ha-hahaha!

Pero sa kabuuan ng pelikula, ang talagang nakatanggap ng pinakamaraming palakpak mula sa audience ay si Jaclyn Jose na gumaganap bilang nanay ni Anne! Grabe! As in scene stealer talaga ang karakater ni Jaclyn sa movie.

Bawat eksena niya ay palung-palo! Pak na pak sa manonood! Lalo na doon sa eksenang kinompronta na niya ang kabit ng kanyang asawa (Joel Torre)!

Nakakaloka ‘yun! Tiyak na marami ang makaka-relate na misis sa pinaggagawa ni Jaclyn sa pelikula.

Okay, okay! Hindi na ako masyadong magkukuwento tungkol sa “A Secret Affair” dahil baka sabihin n’yo naman ang epal-epal ko!

Basta panoorin n’yo na lang, showing na bukas ang “A Secret Affair” nationwide kaya makipila na!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: