Skip to content

BB GANDANGHARI malaking halaga ang siningil sa abs, mukhang pera?

October 21, 2012

Para sa isang one-one-one interview ni Carmina

Binoe miss na miss na ang utol na si Rustom

BINISITAnamin si Robin Padilla sa taping ng sitcom niya na Toda Max sa ABS-CBN.

Nabungaran namin ang direktor nila na si Malu Sevilla na may hangover pa sa pagkakapanalo ng kanilang show sa Catholic Mass Media Awards.

At the same time, excited din siya sa nominasyon na nakuha ng show nila as Best Comedy/Gag show sa nalalapit na Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club on Nov. 18 sa Ateneo University.

Ang “bilas” ni Robin na si Carmina Villaroel ang special guest nila that night.Kinumpirma ni Carmina na ang kambal niya na sina Cass at Maverick ‘yung nasa billboard ng Bench sa Guadalupe.

Nalilito kasi ako sa kambal nila ng mister niyang si Zoren Legaspi at sa kambal naman nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na sina Andres at Atasha.

Magkakahawig kasi ang mga bagets.

Anyway, until now ay hindi pa sila nagkikita ng personal ni BB Gandanghari.

Mabuti pa sila ng kapatid ni BB na si Robin ay nagkatrabaho na.

Pero sila ni BB ‘di matuluy-tuloy ang kanilang one-on-one interview.

We heard, masyado raw kasing malaki ang hinihinging talent fee ni BB para pumayag na interbyuhin siya ni Carmina.

Kaya nu’ng nagkita kami ni Carmina sa Toda Max ask namin siya kung true ba ang tsismis na malaki ang asking price ni BB para sa pag-appear sa kanilang talk show sa Dos.

Nagkibit-balikat lang si Carmina sabay nagpakawala ng malalim na bunting-hininga.

‘Yun na. Basta read between the lines na lang kayo para malaman n’yo kung totoo nga ang napakalaking asking price ni BB para sa pagpapa-interview niya sa dati niyang asawa.

Tanong ng isang nakausap namin, pera-pera na lang ba ang drama ni BB?

Samantala, marami naman ang umaasa na darating din ang tamang panahon para magkita at magkaintindihan ang magkapatid na Robin at BB.

Hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa rin matanggap ni Binoe ang pagbabagong-kasarian ng kanyang dating utol.

Pero ang maganda rito, hindi naman nagsasalita ng masama si Robin about BB, at naniniwala naman si BB na there will come a time na matatanggap din siya ng kanyang buong pamilya.

Sa tantiya namin, kahit “namatay” na si Rustom Padilla, ito pa rin ang nami-miss ni Binoe.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: