Skip to content

Basura na ang trato ng DOS kay DEREK RAMSAY

October 21, 2012

Nakikisimpatya ang ating mga kababayan kay Derek Ramsay sa mga ginagawang panggigipit-paghihiganti sa kanya ng ABS-CBN.

Hindi nga naman kasi maganda sa panlasa na porke lumipat na ng istasyon ang hunk actor ay gagawin na sa kanya ng network na pinagmulan niya ang todong pagdadamot.

Ipalalabas na sa Miyerkules ang bagong pelikula ni Derek kasama sina Anne Curtis at Andi Eigenmann, ang “A Secret Affair”, kaya abala na ang tatlo para sa promo ng kanilang proyekto.

Pero hindi mabanggit ni Anne ang pangalan ni Derek bilang leading man nila ni Andi, pinagbawalan ito ng ABS-CBN, matinding lungkot ang naramdaman ng magandang aktres nang malaman ‘yun.

Puwedeng banggitin ni Anne ang pelikula at si Andi, pero ang pangalan ni Derek Ramsay ay hindi, at ang pinakamatindi pa ay nagpagawa ng poster ang Dos na wala ang mukha at pangalan ng hunk actor.

Anong klase ng panggigipit ito? Dahil lang sa lumipat sa TV5 si Derek at umalis sa kanilang bakuran?Kung sana’y bigla na lang lumayas sa kanilang istasyon si Derek, pero alam naman ng marami na ilang buwan muna ang pinagdaanan ng kanilang negosasyon bago tuluyang lumundag sa TV5 ang aktor, nagbigay-respeto sa kanila si Derek at ang kanyang manager na si Joji Dingcong sa plano niyang gawin.

Hindi na maganda ang mga ginagawa ng ABS-CBN sa mga personalidad na umaalis sa kanilang bakuran, masyadong benggador ang istasyong ito, hindi makatutulong sa mundo ng telebisyon ang mga ginagawa nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sabi na nga ba, ang mga negatibong isyu tungkol kay Derek ay nagmumula lang sa isang grupo, ang mga ito ang nagpapakalat ng kung anu-anong kanegahan tungkol sa hunk actor, mabuti na lang at edukado at maginoo si Derek, kaya hindi na lang niya pinapatulan ang mga taong may makikitid na isip.
Sabi ng isang nakausap namin, “Pikon ang ABS-CBN! Kapag wala na silang pakinabang sa isang personality, basura na ang pagtrato nila! Asar-talo sila, sa totoo lang!”
Mismo!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: