Skip to content

May kapalit daw na ‘KAMALASAN’ ang bawat tagumpay ni VICE GANDA

October 20, 2012

Una na-coma at namatay ang lola, ngayon patay daw ang puso niya

Subok na nga si Vice Ganda sa pagpapatawa, walang duda na siya na ang pinakamabentang gay comedian ngayon dahil sa tagumpay ng lahat ng kanyang pelikula.

Kaya naman naisip ni Vice na kailangang makagawa rin siya ng mga pelikula na hindi lang puro pagkokomedya.

“Actually nasabi ko kay direk Wenn (Deramas) na gusto ko mag-action.

Yung totoong action na gusto ko maging yung first na bading na gumagawa ng action movie.

Gusto ko tumalon sa San Juanico bridge, kasi ‘di ba may gumawa nu’n si Dante Varona?

“Meron ngan akong eksena sa ‘This Guy’s In Love With You’, Mare na tatalon ako pababa from the terrace pero gumamit ng stunt double.

Sabi ko, ‘Direk kaya kong gawin yun eh.’ Ayaw lang nila ako payagan. Gusto ko sana eh.’” chika ni Vice. Hindi pa raw niya maituturing na totoong artista ang kanyang sarili hangga’t hindi pa niya nagagawa ang mga pelikulang susubok sa kanyang pag-arte, “Marami pa akong kailangan matutunan.

Pag natutunan, saka ko sasabakin para hindi naman mapahiya at masayang ko rin ang pagkakataon,” say pa ni Vice na anytime soon ay magsisimula nang mag-shooting para sa pelikula nila nina Ai Ai delas Alas at Kris Aquino na “Sisteraka” isa sa mga official entries sa MMFF 2012.

May nabasa naman kaming item, problemado pala si Vice sa kanyang lovelife ngayon.

Hindi raw kasi masyadong maganda ang takbo ng relasyon nila ng kanyang rumored basketball player boyfriend.

Nang tanungin kasi siya kung ano pa ba ang mawi-wish niya ngayong halos lahat na ay nasa kanya, ito ang kanyang tugon,

“Magkaroon ng masayang puso, charot!

“Hindi ko alam kung sugatan ba siya o patay na siyang tuluyan.

Kung ano lang ang mayroon, ine-enjoy ko lang, bahala na ang Diyos,” aniya.

“Basta hindi masyadong masaya ang puso.

May pinagdaraanan. Sabi ko nga, siguro kasama ‘yan—bongga yung pelikula, ito yung kapalit, kasi lahat meron.

Umiiyak ako nu’ng isang araw. Sabi ko nu’ng nag-hit yung Petrang Kabayo, na-comatose ang lola ko.

“Then  nag-hit yung ‘Praybeyt Benjamin’, namatay ang lola ko.

Ngayong nag-hit ang ‘This Guy’s In Love With You Mare’ parang namatay yung puso ko.

Ganu’n talaga, you can’t have it all,” say pa ni Vice.

Pero very positive pa rin naman ang pananaw ni Vice sa buhay, siguro raw ay talagang hindi ibibigay ng Diyos sa iyo ang lahat.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: