Skip to content

BEA kay ZANJOE: Mahal na mahal ko siya! He’s my saviour!

October 20, 2012

HINDI na kami magtataka kung bigla na lang mag-announce ng kasalan sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Kitang-kita naman kasi ang grabeng pagmamahal nila sa isa’t isa, talagang halos mamatay sa kilig ang mga taong nakakaalam kung paano nila pahalagahan ang kanilang pagsasama.

Kapag napag-uusapan ang wedding, aminado naman ang dalawa na napag-uusapan nila ito, pero sabi nila, hindi pa raw kasama ito sa priority nila.

Pero naniniwala naman kami na kahit wala pa ito sa mga plano nila, mukhang mapapaaga ang kanilang pag-aasawa.

Ayon kay Bea, grabe raw ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang maging sila ni Zanjoe, napakalaking bagay daw ng pagiging open niya ngayon sa publiko ang masayang relasyon nila ni Zanjoe Marudo.

Napatunayan niya na mas nagiging maligaya sila na walang itinatago sa mga tao, mas nagiging kumpleto ang kanilang pagkatao at ang kanilang relasyon ng walang kinatatakutan o iniiwasan. Para kay Bea, mistulang pinalaya ni Zanjoe ang puso niya na magmahal, “Para ko siyang saviour.

Mahal na mahal ko siya, oo!” ang pahayag pa ng aktres.

Feeling namin, ang ibig sabihin nito ay iniligtas siya ni Zanjoe mula sa iba pang lalaki na posibleng maging dahilan ng kanyang pagbagsak o ng kanyang pag-iyak.

Panoorin n’yo na lang ang interview sa kanya ngayong hapon ng Showbiz Inside Report pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: