Skip to content

BIANCA GONZALES sinwerte sa dyowang PBA player

October 19, 2012

Sinuswerte ngayon ang TV host na si Bianca Gonzales.

Mula yata nu’ng maging sila ng PBA player na si JC Intal ay nagsunud-sunod na ang blessings sa buhay niya.

In fairness, walang masyadong intriga sa relasyon nila ng basketball player, napapanatili nila ang pagiging private ng kanilang samahan.

Bukod sa kanyang morning show sa ABS-CBN, siya rin ang nagsisilbing “voice over” sa mga segment ng Kris TV hosted by her friend Kris Aquino.

Meron din siyang show sa isang cable channel at meron pa siyang column sa isang broadsheet, idagdag pa ang kanyang pagiging editor-at-large ng isang women’s lifestyle magazine.

Very active rin si Bianca sa mga charity works, siya ang founder ng Teach Kids Learn Foundation, isa rin siyang child’s rights supporter para sa UNICEF Philippines, at bahagi rin ng World Economic Forum Global Shapers Community.

Kaya naman kaliwa’t kanan din ang kanyang endorsements. Ang latest nga ay ang pagiging ambassador niya ng MyRewards MyGlobe.

Sabi ni Bianca, mula Oct. 7-21, maaari kayong mag-redeem ng inyong favorite Globe rewards o makatanggap ng points mula sa inyong mga kaibigan na Globe subscribers din. Text GIFT to 4438, libre ito.

“Bianca is the perfect choice to be the face behind our newest promo because of her personality, influence, positive energy and kind heart that’s always willing to give more, which is what the offer is all about – rewarding and giving more.

With her presence across all types of media, she opens herself to the public. With the worthy causes she supports, she gifts herself to her beneficiaries, giving her a rewarding experience both in her personal and professional life,” ani Jay Beltran, Head ng Customer Lifecycle Management ng Globe.

“To complete the spirit of giving more in anticipation of the Yuletide season, we will extend a donation of P1 million to UNICEF,” dagdag ni Beltran.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: