Skip to content

JODI STA. MARIA: Gusto ko uling mabuntis…isa pa!

October 17, 2012

GUSTO pang magkaanak uli ni Jodi Sta. Maria.

Nagungulit na raw kasi ang anak niyang si Thirdy, type raw ng bagets na magkaroon ng baby brother.

Napanood namin ang isang episode ng morning show ni Kris Aquino na Kris TV a few days ago at inamin nga ni Jodi na kung bibigyan uli siya ng chance na magka-baby uli, why not?

Bata pa naman daw siya ay medyo malaki na nga si Thirdy kaya hindi na siya masyadong mahihirapan sa pag-aalag ng dalawang bata.

Say ni Jodi kay Kris, “Naisip ko rin naman ‘yun, gusto ko rin naman magkaroon pa ng anak.

Sabi ni Thirdy one time, ‘Mom I want a baby brother.’ Sabi ko, ‘Anak hindi po pwede ngayon ha, baka soon.

’ Sabi niya, ‘Okay lang, buy na lang tayo,’” natatawa pang sabi ng leading lady ni Richard Yap sa morning series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Nang tanungin naman siya ni Kris kung bukas pa ang isip niya sa pagpapakasal uli matapos nga silang maghiwalay ng tatay ni Thirdy na si Pampi Lacson, ani Jodi, “Siguro wala akong problema sa pagmamahal ulit. Yung sa pagpapakasal hindi pa talaga siya sumasagi sa isip ko na once makuha ko yung papel, papakasal na. Di ba ang kulit, kaka-annul lang kasal na naman, hindi ko pa siya nae-entertain, wala pa du’n.”

Sa ngayon, marami ang naniniwala na kumpleto na ang buhay ni Jodi dahil bukod sa kanyang bonggang career ay bongga rin ang kanyang lovelife, with Jolo Revilla around.

Kahit na hindi pa diretsahang inaamin nina Jolo at Jodi ang kanilang relasyon, naniniwala kaming matagal na silang magdyowa.

Pero sabi ni Jodi kay Tetay, si Thirdy daw talaga ang inspirasyon niya ngayon, “Sa kanya ako humugot ng lakas.

‘Yung maganda sa anak na they love us na hindi jina-judge.

Mahal nila tayo kung sino tayo bilang nanay, magulang nila.

And basta ang promise ko sa kanya I’ll just try to make him proud of me.”

Nagpasalamat din si Jodi kay Richard Yap (Sir Chief) dahil sa tagumpay ng kanilang teleserye, “Sabi ko friends na tayo, hindi lang basta magkatrabaho, na-appreciate kita bilang tao, dedication sa trabaho, tiyaga mo kasi hindi biro for someone relatively new sa business isabak sobrang madaling araw kaya maraming salamat.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: