Skip to content

‘Kung wala siyang sasabihing maganda, wag na siyang magsalita!’

October 15, 2012

Nanay ni Shaina umaray sa kadaldalan ni John Lloyd

Malakas ang ugong ng balita na nagiging close ngayon sina Shaina Magdayao at Gerald Anderson.

Nilinaw na ng dalaga na magkaibigan lang sila, pero maraming ayaw maniwala, kakaiba ang nakikita nilang koneksiyon kina Shaina at Gerald.

At kung totoo ngang nililigawan ngayon ng young actor si Shaina ay wala namang problema, libre naman silang dalawa para makipagrelasyon, dalawang puso sila na nasasaktan ngayon.

Sobrang nasaktan si Shaina sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz, lalo na sa binitiwang pahayag ng binata na ngayon lang daw ito nakaramdam ng kaligayahan kay Angelica Panganiban, galit na galit ang mommy ni Shaina sa sinabing ‘yun ni JLC.

Kung maglilitanya lang ng mga kuwento si Shaina ay siguradong aaray si John Lloyd, kung benggadora lang ang dalaga ay mas matindi sanang rebelasyon ang puwede niyang sabihin tungkol sa kanyang ex, pero nanatiling tahimik lang ang batang aktres.Dahil du’n ay si Mommy Deanne ang nagtanggol sa kanyang anak, “Kung wala siyang magandang masasabi tungkol kay Shaina, huwag na lang sana siyang magsalita. Ganu’n ang gentleman,” sabi ng ina ni Shaina.

Si Gerald naman ay tinanggihan nang husto ng ina ni Sarah Geronimo, para namang may nakahahawang sakit ang hunk actor kung maliitin ng ina ng singer-actress, hanggang sa nagsawa na rin ang binata sa panunuyo sa dalaga.

Komento ng isang kaibigan naming director na nakakakilala nang husto kay Gerald, “Asus! Kung magkapagsalita naman si Aling Divine, akala mo naman nag-iisang babae na lang sa mundo ang anak niya para habul-habulin ni Gerald!

“Sayang, pinakawalan pa nila ‘yung bata, mabait si Gerald, marespeto, marunong lumagay sa lugar!” litanya ng aming kausap na direktor.

Kaya kung totoo ngang nagkakamabutihan na ngayon sina Shaina at Gerald ay maraming matutuwa, maraming boboto sa kanilang relasyon, pareho kasi silang marunong magpahalaga sa relasyon at hindi sila ang tipong kapag nakipaghiwalay na ay kung ano-ano na ang pamimintas na sinasabi tungkol sa kanilang ex.

“That would be lovely!” komento uli ng direktor na hindi pa man ay nakakaramdam na ng kilig sa kuwento tungkol kina Gerald at Shaina.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: