Skip to content

ALYSSA ALANO naaksidente, natusok ng bakal sa tiyan

October 15, 2012

Nakainom nga ba o inaantok habang nagmamaneho?

INIIBESTIGAHAN na ngayon ng mga pulis kung nakainom ba o inaantok ang Kapuso star na si Alyssa Alano nang maaksidente ito kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Sa paunang ulat, malubhang nasaktan ang TV host-actress matapos ang insidente.

Ayon sa report, mismong si Alyssa ang nagmamaneho ng kanyang sport utility vehicle (VFH-668) nang bumangga siya sa isang center island sa kahabaan ng Marcos Highway malapit sa SM Marikina dakong alas-4 ng madaling araw.

Pero bago ito, nabangga rin daw ng sasakyan ni Alyssa ang isang Hondan sedan, sugatan ang apat na pasahero nito.

Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at agad na inilabas ng kanyang sasakyan si Alyssa na nagtamo raw ng serious injuries.

Base sa ulat, natusok daw ng bakal si Alyssa sa bandang tagiliran.

Sa aming pagtatanong, dinala sa ospital ang TV host kung saan siya binigyan ng first aid treatment.

Medyo maayos na raw ang kundisyon niya ngayon pero kailangan daw maoperahan agad ang kanyang tagiliran.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: