Skip to content

KRIS pinalibutan ng PSG habang nagsu-shooting sa MOA

October 14, 2012

HEAVILYguarded ang Queen of All Media sa shoot ng Christmas station ID ng ABS-CBN na pinamagatang “Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko” sa SM Mall of Asia last Thursday.

Solo ni Kris Aquino ang eksenang kinunan sa kanya kasama ang mga bumbero, sundalo, mga pulis at ating mga kababayan sa gilid ng malaking globo sa MOA.

May 10 Presidential Security Group personnel ang naka-assign para bantayan si Kris habang nagsu-shoot.

Napakahigpit ng PSG na nakabantay sa TV host-actress na maging ang co-writer naming si Beth Gelena na mag-iinterbyu sa TV host para sa The Buzz Magasin sa una niyang attempt na lapitan ang TV host, e, hinarang na agad siya.

Pero ‘di sumuko si Mareng Beth and on her second attempt nakita siya ni Kris at nagbigay ng go signal for her na interbyuhin ang TV host.

Kaya lang super higpit ang hawak sa mga braso ni Mareng Beth na halos umiyak na at gustong magsumbong kay Kris sa sakit na naramdaman niya.

Pansin naman namin agad ang bagong kotse ni Kris na nakaabang sa kanya malapit sa location.

According sa driver ni Kris na nakatsikahan namin kade-deliver lang daw two weeks ago noong kotse na isang black Yukon GMC. It was the very first time na makakita kami ng ganu’ng brand ng kotse dito sa Pinas.

And it was Kris’ sixth luxurious car, huh!

Galing pa raw si Kris sa isang event sa Taguig that day bago pumunta sa MOA.

But prior to Taguig, nag-backpack shoot pa noong early afternoon ng Wednesday si Kris para sa Kris TV.

Ganoon ka-busy at kasipag ang TV host. Kaya ‘di kataka-taka if she spends her money on the things she wanted like cars and shoes, ‘di ba?

The next day, nag-taping naman si Kris sa much-awaited teleserye niya with Robin Padilla and Anne Curtis at noong Sabado tentative first shooting day niya dapat sa MMFF entry ng Star Cinema sa direksyon ni Wenn Deramas, ang “Sisteraka.”

Yes, tuloy na talaga si Kris sa first ever movie niya with her friends, ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Comedy Queen Ai Ai delas Alas with the box-office director.

Ayon kay Kris, pumayag na rin siya na gawin ang movie dahil ‘yun ang isinabmit ng Star Cinema sa MMFF Committee.

Kung ‘di siya tumuloy, may penalty.

Pero okey lang naman daw na magdagdag ng artista sa cast like Ai Ai.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: