Skip to content

CRISTINE ‘BINASTOS’ sa isang bar sa US, RAYVER muntik nang mapaaway

October 14, 2012

TOTOO pala ang kumakalat na balita na nabwisit si Rayver Cruz sa isang lalaki na inakala niyang nambabastos sa kanyang girlfriend na si Cristine Reyes.

Naganap ang insidente nang gumimik daw sila sa isang bar sa Amerika nu’ng magkaroon sila ng series of concert doon, kasama nina Cristine at Rayver nu’ng gabing ‘yun si Vice Ganda.

Inamin ni Rayver sa isang interview na nagkaroon nga ng ng ganu’ng eksena pero nilinaw niya na wala naman siyang inaway doon at lalong hindi siya nagwala sa sobrang kalasingan.

Nakita raw kasi ng aktor na may isang lalaking pilit na lumalapit kay Cristine habang nagsasayaw.

Feeling ni Rayver ay nambabastos na ito.

‘Yun pala, alam na ni Vice na bading ang kasayaw ni Cristine, hindi lang nito sinabi kay Rayver dahil gusto niyang malaman ang magiging reaction nito.

“Okay naman ako sa ganu’n e.

Medyo ang angas lang ng dating. Ang naisip ko lang kasi nu’n, ‘Ang laki ng katawan nito.’ Tsaka makulit, parang inaano si Cristine.

Nu’ng nalaman ko na (bading pala), natawa na lang ako, inom na lang ako, sayaw-sayaw na lang.

Si Vice pinagtitripan pala ako!” say ni Rayver sa interview.

Anyway, sa pagbabalik nina Rayver at Cristine sa Pilipinas, sasabak agad sila sa taping ng bago nilang teleserye sa ABS, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin kung saan makakasama rin nila sina Gerald Anderson, Maricel Soriano at Dina Bonnevie.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: