Skip to content

Boobs ni ERICH ‘NAHAWAKAN’ ni MARIO MAURER, kaya nanampal

October 14, 2012

Maswerte si Erich Gonzales dahil siya ang napiling leading lady ng Thai actor na si Mario Maurer sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” mula sa Star Cinema na idinirek ni Rory Quintos.

Marahil ay maraming naiinggit kay Erich dahil sa dami nga naman ng aktres sa Star Magic ay siya pa ang napili, at dala-dala niya ang alaalang ito hanggang sa pagtanda niya.

At mas lalo pang humanga si Erich kay Mario nang aminin niyang may girlfriend na siya at siyam na taon na raw sila ng girl na artista rin sa Thailand.

“Heartthrob siya pero hindi niya po tinatago na mayroon siyang girlfriend.

Kasi dito, parang hangga’t maaari itatago mo para ‘yung mga ano (personal), gustuhin ka pa, ‘yung mga fans hindi magre-react.

Pero siya, talagang ang hinahangaan ko sa kanya ay very open siya.

“Nakita ko talaga kung paano niya alagaan ang girlfriend niya.

Sobrang ina-admire ko ang relationship nila. Nine years na sila,” paglalarawan ni Erich sa leading man.

Pareho lang naman kasi sina Erich at Mario na may ibang karelasyon pero ang pagkakaiba, hindi umamin ang aktres na boyfriend na niya ang kasama niya parati at ka-date lang daw, “Never naman po akong nag-deny kapag tinatanong naman po ako sa mga past interviews ko.

“Nagsabi naman po ako that I’m dating a non-showbiz guy. Over a year na.

Mas maganda kung quiet lang, hindi magulo,” katwiran ni Erich.

Samantala, isa pang gusto ni Erich kay Mario ay, “He’s super cool, walang arte talaga.

Si Mario kasi parang Pinoy din siya, masayahin.

Professional pagdating sa trabaho, darating sa set na alam niya ang gagawin niya.

Ang galing-galing niyang makisama sa lahat.

“Siguro noong una lang parang nagkakahiyaan pa.

Pero noong nag-click na lahat, hanggang sa matapos ‘yung movie and even up to now, nagko-communicate kami.

We really became good friends,” sabi pa ni Erich.

Isa pang hindi malilimutan ni Erich ay siya lang ang kauna-unahang taong sumampal kay Mario kaya naman nagulat ang Thai actor at mga kasama nito dahil sa kultura nila ay masama pala ang ibig sabihin kapag nasampal o sinampal sila.

“Nagulat din ako,” say ni Erich. “Siyempre, kung dito, sanay kami na totohanan talaga, walang daya-daya.

Kapag sinabing take, parang nakalimutan namin, hindi pala siya Pinoy. Wala naman kay Mario. Ang nag-react ‘yung team niya,” sabi ng aktres.
Nagpaliwanag at humingi ng dispensa raw si direk Rory sa mga Thai na kasama ni Mario at ipinaliwanag na mabuti ang nasabing eksena at naintindihan naman daw ng mga ito.

Pumayag din si Erich na ma-touch ni Mario ang kanyang dibdib sa isang eksena nila sa pelikula, pero anang dalaga, “May towel naman po akong inilagay, para na rin po sa ano…so okay lang po.”

Wala si Mario sa unang presscon ng “Suddenly It’s Magic” pero nangako raw itong dadalo sa gaganaping premiere night sa Okt. 30.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: