Skip to content

RUFA MAE hindi nabakante sa lalaki, hunk actor ang bagong BF

October 13, 2012

Pagkatapos makipaghiwalay kay Boy2 Quizon

Napakabilis talagang magbihis ni Rufa Mae Quinto.

Katatapos lang ng nakaraan niyang relasyon ay meron na agad siyang kapalit, hindi siya nababakante, hindi yata marunong maghintay ang puso ng seksing komedyana.

Hindi na nga siguro mabibilang sa mga daliri sa kamay at paa ni P-Chi ang nagiging boyfriend niya, seryosohan man ‘yun o hindi, dahil sa dami na.

Ang alam lang naming seryosohan niyang relasyon ay ‘yung kina Dingdong Avanzado at Rudy Hatfield, ang iba ay mabilisan na lang, at marami pang ibang kung tawagin ng marami ay “extra curricular.”

Ang bagong nauugnay ngayon kay Rufa Mae ay ang tisoy na aktor na si Ahron Villena, sila ang palaging magka-text at magkausap ngayon, meron na ring nakakakita sa kanila na palaging magkasama.

Katatapos lang ng relasyon nina Rufa Mae at Boy 2 Quizon, hindi man nila inamin nang lantaran ‘yun ay wala namang naniniwala na magkaibigan lang sila, kaya nakapag-aalala ang namamagitan sa kanila ngayon ni Ahron Villena.Sabi nga ng mga nakakausap namin ay baligtad daw ang sitwasyon tungkol sa kuwentong ito.

Sa halip na sa babae tayo mag-alala ay kay Ahron pa nag-aalala ang marami.

Pero ayon sa binata ay wala pa naman silang relasyon ng komedyana, magkaibigan pa lang daw sila, naghuhulihan pa raw sila ng ugali at hindi pa nila masasabing magiging sila nga.

Palagi namang ganu’n ang katwiran ng mga artista kapag hindi pa sila handang umamin, magkaibigan lang sila, hanggang sa nagugulat na lang tayo kapag hiwalay na sila at du’n pa lang sila umaamin.

Pero malay naman natin, baka sa lahat ng biyahe sa buhay at pakikipagrelasyon ni Rufa Mae ay kay Ahron Villena pa siya suwertihin?

Responsable at matino ang young actor, mapagmahal sa pamilya, kaya magkakasundo sila ni P-Chi na makapamilya rin.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: