Skip to content

LOVI inaabuso ang katawan, grabe ang kapayatan

October 13, 2012

GRABE na nga kapayatan ngayon ng Kapuso leading lady na si Lovi Poe! Muli namin siyang nakachika nu’ng Huwebes ng gabi sa GMA 7 para sa bagong afternoon teleserye niyang Yesterday’s Bride kung saan makakasama niya sina Luis Alandy, Rocco Nacino at Karel Marquez na magiging kontrabida sa serye.

Sabi namin kay Lovi baka inaabuso na niya ang katawan niya sa pagtatrabaho kaya ganu’n na siya kapayat, baka isang araw ay bigla na lang siyang singilin dahil sa patayan niyang pagwo-work.

Mukhang hindi na niya alam ang ibig sabihin ng pahinga.

Ayon naman kay Lovi, sinisiguro naman daw niya na kahit paano ay nakakapagpahinga siya, siguro raw, e, nasagad lang ngayon dahil nagkasabay-sabay ang ginagawa niyang proyekto.

Pero aniya, priority pa rin niya ang kanyang kalusugan.

Bukod sa pagiging busy sa promo ng pelikula nilang “Tiktik: The Aswang Chronicles” opposite Dingdong Dantes, tuloy pa rin ang shooting nila para sa “The Lover And The Bride” ng Regal Films, tapos nagsisimula na rin ang taping nila para sa seryeng Yesterday’s Bride na eere na sa Oct. 29 sa GMA Afternoon Prime.

Kuwento ni Lovi, ibang-iba raw talaga ito sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, bukod daw sa kakaibang role, mapapasabak daw siya sa matinding drama. Gaganap siyang isang bride dito na maaaksidente sa araw mismo ng kanyang kasal.

Aakalain ng kanyang groom (Rocco) na patay na siya.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, naisugod siya sa isang ospital kung saan siya na-comatose, “Tapos hindi ko alam, buntis pala ako at manganganak ‘yung karakter ko habang nasa coma.

Nangyayari raw talaga ang ganu’n sa tunay na buhay. So, ‘yun pa lang parang nakaka-excite nang panoorin.”

Dagdag  ni Lovi, “Actually, nu’ng first taping daw nga namin, napasabak agad ako sa matinding aktingan at sampalan, ganu’n agad ang eksena

Kaya abangan po nila ‘yan, hindi kami mapapahiya sa inyo!”

Makakasama rin sa Yesterday’s Bride sina Emilio Garcia, Raquel Villavicencio, Nina Ricci Alagao, Mark Bautista, Lou Sison, Ken Chan at Ara Mina.

Mapapanood ito simula sa Oct. 29 after Eat Bulaga sa direksiyon ni Gil Tejada.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: