Skip to content

COCO magpapayaman muna bago hahanap ng asawa

October 13, 2012

Mas natatakot kung biglang mawalan ng trabaho

SIYEMPRE, pangarap pa rin ni Coco Martin na magkaroon ng sariling pamilya balang araw, pero ayon sa leading man ni Julia Montes sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan, mukhang matagal pa raw itong mangyayari.

Sabi ni Coco, hindi naman daw siya nagmamadali na makapag-asawa, alam niyang darating at darating ito sa tamang panahon.

Tsaka paano nga naman siya makakapag-asawa kung hanggang ngayon ay super busy siya sa trabaho, at walang-walang oras para makapanligaw man lang.

Marami kasi ang nagtataka at nagtatanong sa amin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring girlfriend si Coco, para bang sila ang atat na atat na magkaroon ng dyowa ang aktor.

Pero tulad nga ng lagi niyang sagot tungkol diyan, kung sa sarili nga raw niya ay wala na siyang oras, paano pa nga naman niya isisingit ang magkaroon ng girlfriend?

Basta ang mahalaga ngayon kay Coco, ang kanyang trabaho at ang mga taong sumusuporta sa kanya. Aniya, “Lahat naman ng bagay sa mundo may tamang panahon, siguro ito muna ‘yung uunahin ko, kasi nga, di ba, hindi natin alam kung hanggang kailan tayo tatagal sa industriya, baka bukas makalawa, mawalan na ako ng proyekto kasi wala naman talagang kasiguruhan ang pagiging artista.

“Kaya kayod muna, uunahin ko munang i-secure ang future ng family ko, tapos ng sarili ko, bago ako pupunta sa ibang level.

Mabuti na ‘yung sigurado ang bawat hakbang natin,” chika pa ni Coco.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: