Skip to content

SARAH: Naiyak talaga ako! hindi kami ganu’ng klaseng mga tao!

October 11, 2012

Walang inaping make-up artist si Mommy Divine

INI-EXPECT na namin na magdedenay si Sarah Geronimo na may kinalaman ang ina niyang si Divine sa pagkatsugi ng kanyang make-up artist at stylist na sina Jing Monis and Eric Pe Benito, respectively.

“Alam n’yo, mahal ko po talaga ang mga taong ‘yon.

Talagang habambuhay ko pong…‘yung utang ng loob ko sa kanila, hindi mawawala po ‘yon,” sabi ni Sarah nang matanong about it sa launching niya bilang newest brand ambassador of Cherry Mobile phones.

“Never ko pong gagawin, sa pamilya namin, lalung-lalo na kami ng nanay ko, na magpapa-ban kami ng tao,” pagdidiin niya.

“Sino ba naman po kaming mga powerful na tao para magpa-ban ng mga stylist? At saka mahal po namin sila,” ani Sarah. Dagdag pa niya, nakakatrabaho pa rin naman niya ang dalawa, “Opo naman,” she quipped.

Clueless si Sarah kung saan nanggaling ang tsismis na ang madir niya ang may pakana ng pagtsugi sa dalawa, “Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yung rumor na pina-ban sila.

Hindi ko po alam, eh, pero siguro…hindi ko alam kung saan nanggaling talaga.”

Nasaktan nang husto si Sarah sa nangyari, “Siyempre masakit, nu’ng nabasa ko ‘yung magazine, masakit, napapaluha ako kasi never kong in-expect na magkakaganoon.

Parang out of nowhere (ay) naging ganu’n.

Parang, ‘Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘to?’”

She’s confident, though, na malalagpasan niya ang isyung ito lalo pa’t, “Hindi naman po totoo at malinis, clear ang conscience naming pamilya, kaya wala namang dapat ikabahala.”

Willing si Sarah na tuldukan na ang issue sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanyang make-up artist at stylist.

“Kailangan lang po na personal na makapag-usap-usap para maayos ‘yung friendship po namin na mayroon po kami.

Sana one day maupuan namin para mapag-usapan po ito,” Sarah told the press.

Apektado rin daw ang nanay niya sa mga naglalabasang intriga sa kanila, ayon kay Sarah, “Siyempre, masakit po na makita yung mommy ko na (laging nadadamay sa issue).

Hindi niya lang po ipinapakita sa akin. Minsan nakikita ko siya…hindi, ayaw ko na pong magbigay ng detalye.

Basta sana po maayos na.”

Nakiusap naman si Sarah na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Gerald Anderson, “Puwede po bang huwag na muna nating pag-usapan ‘yan?

Hindi ko na lang po muna masasagot.

Basta okay naman po ang lahat.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: