Skip to content

BINOE nagmamatigas, hindi pa rin tanggap si BB

October 11, 2012

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakapupunta sa bahay nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez si BB Gandanghari.

Tanggap na siya ng iba niyang mga kapatid, pero matigas pa rin si Robin, takdang panahon pa nga siguro ang kailangan nating hintayin para magkasundo na ang magkapatid.

At mauunawaan naman natin si Robin sa kanyang paninindigan.

Mahal niya si Rustom, dahil magkapatid nga sila, pero si BB Gandanghari ay hindi pa niya tanggap sa ngayon.

Marami nang ginawang paraan si Mariel para mapaglapit ang kanyang mister at bayaw, pero wala pa ring nangyari, tinanggap na lang ni Mariel ang katotohanan na hindi pa ngayon ang tamang panahon para magkita at magkausap ang magkapatid.Ang maganda lang sa kanilang sitwasyon ay walang sinasabing anumang masama si Robin tungkol sa kanyang kapatid.

Binibigyan pa rin niya ng katwiran si Rustom, este, si BB Gandanghari pala.

Nu’ng tanungin namin si BB Gandanghari kung maligaya na ito ngayon sa kanyang buhay na malaya ay napailing ito, makukumpleto lang daw ang kanyang kaligayahan kapag natanggap na ng kanyang buong pamilya ang pinili nitong kasarian, du’n pa lang daw masasabi ni BB Gandanghari na kumpleto na ang kanyang buhay.

Magkadugo naman sila, iisang sinapupunan lang ang kanilang pinagmulan, kaya pasasaan ba at isang araw ay sosorpresahin na lang tayo ng balita na nagkasundo na sina Robin at Rustom.

Maraming maliligayahan kapag dumating na ang takdang araw na ‘yun.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: